Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang sa Iyo ay Akin mapapanood na ngayong 17 Agosto (Much awaited drama-romance series)

YES, there’s life after ABS-CBN closure kaya eat your heart out mga detractors, bashers, and trolls including the 70 congressmen at hindi ninyo mapipigilan ang pag-ere ng much awaited teleserye na Ang Sa Iyo, Ay Sa Akin na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Sam Milby, at Diamond Star Maricel Soriano.

Mula sa unit ng JRB Creative Production ni Ma’am Julie Anne Benitez kasama si Dindo C. Perez sa direksiyon nina Avel Sunpongco at FM Reyes at panulat ni Keiko Aquino.

Sa well-attended recent virtual presscon ng “Ang Sa Iyo, Ay Akin” kahit nasa gitna tayo ng pandemya ay very positive and fresh na humarap ang apat na lead cast at hatid ang kuwento tungkol sa naganap na shooting nila sa isang kilalang hotel sa Quezon City na three weeks silang naka-lock in, no beso at all. Maingat silang lahat sa guidance and health protocols na ipinatutupad during tapings.

And speaking of latest drama-romance-revenge series of ABS-CBN, sila ang buena mano sa lalo pang pinalakas na Kapamilya channel at full blast na digital platforms nito.

Sa trailer pa lang ng panggabing serye ay mapapa-wow ka na sa panonood mo na hitik sa drama at confrontations scenes. Kahit pareho na silang mahuhusay na actress ay lubos ang pasasalamat nina Jodi at Iza sa nagsilbing acting couch nila sa taping na si Ate Maria (Maricel).

Puring-puri ng dalawa ang pagiging generous ng Diamond Star. Maging si Sam na itinuturing na baby Sam ni Maricel ay nagpa-thank you sa actress sa nasabing virtual press conference.

Anak ni Maria sa serye si Jodi at anak din ang turing niya kay Iza na matalik na magkaibigan at magkasundo sa lahat ng bagay na mababago at masisira ng isang aksidente. Makukulong nang walang kasalanan si Jodi, kaya gaganti kay Iza na lahat ng mayroon ang huli ay kanyang kukunin.

Yes maraming pasabog na eksena sa Ang Sa Iyo Ay Akin na mapapanood na ang pilot episode ngayong Agosto 17 sa ganap na 8:40 pm pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.

Para sa updates, sundan lamang ang ABS-CBN PR sa Facebook (fb.com/abscbnpr), Twitter (@abscbnpr), at Instagram (@abscbnpr).

Parte rin ng casts sina Liza Lorena, Lito Pimentel, Zaijan Jaranilla, Nico Antonio, Jet Gaitan, Alvin Anson atbp.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …