Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rayantha Leigh, balik-taping na sa upcoming show sa GMA-News TV

NAG-RESUME na ng taping ang bubbly teener na si Rayantha Leigh para sa kanyang show sa GMA-News TV titled Rayantha Leigh, My Life, My Music.

Bago nagkaroon ng lockdown ay nakapag-taping na sila ng dalawang episodes. Ngayon ay nakadalawa ulit sila, kaya bale apat na ang nakareserba nilang episodes.

Inusisa namin si Rayantha kung nahirapan ba siyang mag-taping dahil laganap pa rin ang Covid19?

Tugon niya, “Mahirap po dahil kailangan pa rin naming i-maintain ang social distancing at madaming protocols po na pinatutupad.”

Dagdag pa ni Rayantha, “Lahat naman po kami alam ang mga bawal gawin at nagsa-sanitize palagi.”

Nag-enjoy pa rin ba siya o mas kinabahan sa taping dahil sa pandemic? “Nag-enjoy pa rin po, basta po mag-iingat lang po and maintain yung safe distance… Naka-face mask naman po kaming lahat sa set and naka-face shield naman po ako and iyong guest.”

Pahabol pa niya, “Enjoy pa rin po naman kami sa taping and lively pa rin po ang interaction sa show.”

Aminado ang talented na dalagita na kapag umere na ang kanyang show ay makakaramdam daw siya ng excitement. “Of course po, excited dahil pinaghirapan po namin iyon, and kahit po may covid ay nagawan po namin ng paraan at napa-air po namin ang show.”

Incidentally, congrats kay Rayantha dahil pumirma siya ng three years contract sa SMAC. Present sa event ang Mommy niyang si Ms. Lanie Lei at si Enrico B. Jamora, senior supervisor head ng SMAC Television Production.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …