Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ogie Diaz Liza Soberano Enrique Gil
Ogie Diaz Liza Soberano Enrique Gil

Lizquen, pinag-aagawan pa rin; Enrique, alaga na rin ni Ogie

INIHAYAG ni Ogie Diaz, manager ng LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil) na maraming interesadong kunin ang dalawa.

“Nakatutuwang malaman na maraming interesado sa LizQuen, that’s the truth,” paliwanag ni Ogie sa kanilang Facebook Live ni MJ Felipe noong Sabado ng gabi.

“‘Yung iba nagtatanong kung ano na ang mga plano. Hindi kami makasagot kasi siyempre we are still grieving and then mahirap din naman na magde-decide ngayon… we will just wait for the ABS-CBN management to tell us what to do.

“Kung sabihin nila na ‘we will let you go na ganyan-ganyan.’ Kung ganito pwede na kami mag-entertain (ng ibang network).

Pero so far, wala pang sinasabi ang ABS-CBN, kaya igagalang natin iyon. Hindi pa rin naman pwede magtrabaho kasi tumataas pa rin (Covid-19), hindi pa nagpa-flatten ang curve. So medyo delikado pa ring magtrabaho, kaya hintay-hintay lang kami.”

Ibinalita rin ni Ogie na siya na rin ang manager ni Enrique, co-manage with Star Magic. Binigyan siya ng consent ditto ni Mr. M (Johnny Manahan).

“’Yung totoo, bukod sa Star Magic na co-management kami kay Liza ako na rin ang mag-manage kay Enrique with Star Magic, para solid kami ni Mr. M na para anuhin namin ang puwersa ng LizQuen, kung sakali, so para rin kapag nakipag-negotiate ako sa iba, kunwari sa commercials, mailalako ko na ang dalawa.”

Wow! ang galing naman. Congratulations, Papa Ogs.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …