Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kenken Nuyad, excited sa pagpasok ng pelikulang Magikland sa MMFF

IPINAHAYAG ng mahusay na child actor na si Kenken Nuyad ang kanyang excitement dahil nakapasok ang pelikula nilang Magikland sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Ang naturang pelikula mula Brightlight Leisure Productions, Inc/Gallaga Reyes Films ay kabilang sa unang apat na pumasok sa festival base sa pag-submit ng script.

Ang naturang pelikula ay tinatampukan nina Miggs Cuaderno, Jun Urbano, Bibeth Orteza, Elijah Alejo, Princess Rabarra, Joshua Eugenio, Hailey Mendez, Wilma Doesn’t, Jamir Zabarte, at marami pang iba, sa pamamahala ni Direk Christian Acuña.

Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng entry si Kenken sa taunang December film festival. Kaya nabanggit niyang masayang-masaya siya sa pangyayaring ito.

“First time kong magkaroon ng entry sa Metro Manila Film Festival, kaya sobrang saya ko po,” panimulang pahayag ni Kenken.

Dagdag pa niya, “First time ko pong maka-work din sina direk Peque (Gallaga) at direk Lore (Reyes), first time ko pong makaganap ng role na ganoon.

“Matagal ko na pong pangarap ito, kasi gustong-gusto ko po kasi talagang makasakay sa float at makasali sa parada tuwing December. Sana po ay makasakay talaga ako sa float this year.”

Ano ang role niya sa movie?

Sagot ni Kenken, “ako po pala rito si Gugu, medyo kasi sidekick po ako ng kalaban tapos po… basta panoorin na lang po nila. Sure po na maganda po ito, bata, matanda, matutuwa po rito kapag pinanood nila. Pero lalo na po ang mga bata.

“Nag-enjoy po ako habang ginagawa itong movie, parang cartoon po ako rito eh… Ang mga nakasama ko po sa eksena ay sina Kuya Miggs, Tita Bibeth, at Ate Elijah.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …