Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

State-of-the-art testing machine para sa JASGEN lumarga na — Isko

MAKABAGO at maaasahang COVID-19 testing machine ang nakatakdang gamitin sa bagong bukas na walk-in testing center sa Justice Abad Santos General Hospital sa lungsod ng Maynila.

 

Katulad ng unang naipangako ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso patungkol sa karagdagang testing centers na ilulunsad sa lungsod ay maaari nang magkaroon ng pagsusuri gamit ang mas makabagong COVID testing machine at libre para sa lahat.

 

Nabatid kay Mayor Isko, ang nasabing  COVID-19  testing machine na gagamitin sa JASGEN walk-in test center ay mayroong double load capacity na mas makabago kompara sa makinang gamit sa dalawang drive thru testing area sa Lawton at Quirino Grandstand.

 

Kung ihahambing sa dalawang bagong bukas na drive-thru at isang walk-in test center ay available na sa Justice Abad Santos General Hospital (JASGEN) na pinamumunuan ni Dr. Merle Sacdalan.

 

Ang JASGEN walk-in testing center ay pangangasiwaan ni Dr. Metle Sacdalan na gagamitin ang makabagong makinang “Architect i2000 SR” na mas doble ang kapasidad sa pagsusuri at mataas na bersiyon ng Architect i1000 SR machine na naunang binili

ng pamahalaang lungsod.

 

Ayon kay Moreno, ang mabilis at makabagong makina ay gawa rin ng Abbott Laboratories na may kakayanang makapagbigay ng 100 porsiyentong sensitivity sa pagsuri tulad ng naunang makina na may 99.6 porsiyentong specificity upang maiwasan ang ‘false negative’ at ‘false positive’ resulta .

 

Paglilinaw ng alkalde, ang resultang makukuha sa bagong SR machine ay mas accurate kompara sa ordinaryong rapid test kits at maaasahan katulad ng polymerase chain reaction PCR machine na gamit sa confirmatory swab test.

 

Upang matiyak na maayos ang magiging sistema sa pagsusuri ay personal na binisita ni Moreno ang JASGEN kasama si Vice Mayor Honey Lacuna at sinigurong maayos ang bagong makina para sa karagdagang walk-in center na kanyang naipangako kamakailan.

 

Kaugnay nito, lubos ang pasasalamat ni JASGEN Director Sacdalan kina Isko at Lacuna sa pagbibigay ng  makabago at maaasahang makina  sa JASGEN at pagtitiyak  na magiging maayos ang resulta ng test sa kanilang gagawing laboratory information barcoding system upang hindi magkahalo ang resulta.

 

Ibinida ni Mayor Isko, ang Architect i1000  SR machine ang kasalukuyang ginagamit ng Ospital ng Maynila, Ospital ng Sampaloc, at Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa District 5, 4 at 1, habang Ang Ospital ng Sta. Ana sa District 6 na makikita ang Manila Infectious Disease Control (MIDCC) bilang COVID center ay gumagamit ng PCR machine.

 

Matatandaan, sa Ospital ng Sta. Ana unang itinayo nina Isko at Lacuna ang kauna-unahang COVID testing laboratory ng lungsod na may tulong at pagsangayon ng Department of Health (DOH)

 

Puspusan ang pagtatayo ni Moreno ng mga walk-in COVID testing centers upang ma-accommodate ang gustong magpa-test na walang sasakyan katulad ng ginagawa sa drive-thru testing centers sa Bonifacio Shrine at Quirino Grandstand.

 

Matatandaan na unang inilunsad ni Moreno ang drive thru testing areas na dinumog ng mga motorista kaya’t nakita ng alkalde ang pangangailangan at kagustohan ng mamamayan na magpasuri kontra COVID-19.

 

Ang lahat ng tests sa walk-in at drive-thru testing center ay libre at bukas mula Lunes hanggang Biyernes 8:00 am hanggang 5:00 pm. (BRIAN BILASANO)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …