Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barbie, ginamit ng netizen para makapang-denggoy

ANG Kapuso artist na si Barbie Forteza ang latest victim ng mga manlolokong gumagamit ng kanyang pangalan online.

 

Sa Instagram story ni Barbie, ibinahagi niya ang isang text ng pag-uusap ng isang online seller at ng isang Michelle Fuentes na umano ay road manager niya.

 

Sinundan niya ito ng isang post para ipaalam na wala siyang kilalang Michelle Fuentes at binalaan ang posers na gumagamit ng kanyang pangalan.

 

“Wala po akong kilalang Michelle Fuentes. Lahat po ng pinopost ko ditto sa IG Stories ay sa akin mismo nag-message.

 

“Nag-DM sila sa IG Direct ko. Nakakalungkot na ginagamit ng ibang tao ang panahong ito para makapanloko ng kapwa. Mag-ingat po tayo.”

 

Samantala, bukas ng gabi sa Magpakailanman, gagampanan ng boyfie niyang si Jak Roberto ang kuwento ng buhay ng viral sensation na si DJ Loonyo.

 

Nang sabihin ito ni Jak sa GF, sinabihan siyang pressure ito para sa BF, huh! For sure, watch si Barbie ng episode ng boyfie!

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …