Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Darna ni Jane, ‘di na tuloy

ANG hinihintay na paglipad ni Jane de Leon bilang si Darna sa pelikula ay hindi na mangyayari dahil balitang shelved na ito na produced ng Star Cinema mula sa direksiyon ni Jerrold Tarog.

 

Baka naman postponed lang muna kasi abala pa ang ABS-CBN sa kinakaharap nilang franchise at dumagdag pa ang TV plus o black box base sa nakaraang hearing sa Kongreso itong Lunes?’ pahayag namin sa aming source.

 

“Hindi na maglalabas ng malaking pera ang ABS dahil kailangan nilang magtipid ngayon, eh. Ang ‘Darna’ sobrang laki na ang nagagastos mula pa sa pre-prod at ilang araw na shootings simula pa noong si Erik Matti na unang nagdirehe na si Liza Soberano pa ang gaganap sa role.”

 

Si Liza ang kapalit ni Angel Locsin sa Darna noong umatras ang huli dahil sa back injury niya pero hindi rin natuloy ang una dahil sa aksidente nito sa kanyang 4th finger sa kanang kamay sa taping ng epic seryeng Bagani.

 

Binalaan si Liza ng doktor na nag-opera sa kanya sa Amerika na hindi siya puwedeng tumanggap ng role na may matitinding action scenes bukod pa sa hindi rin magalaw ng aktres ang nasabing daliri.

 

At dahil dito muling nagpa-audition ang Star Cinema sa Darna role at si Jane nga ang napili.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …