Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-BFF na Rosanna Roces at Sylvia Sanchez nag-home Bonding (Dahil sa ECQ, na-miss ang isa’t isa)

WALA pang abiso ang management ng ABS-CBN para sa bagong project nina Rosanna Roces at Sylvia Sanchez at understandble naman dahil ongoing pa ang hearing sa Kamara para sa franchise renewal

ng Kapamilya network. Dito kasi sa serye nilang “Pamilya Ko,” nabuo ‘yung friendship nina Rosanna at Sylvia na bagama’t nagkasama noon sa proyekto nila sa Regal Films ay hindi naging malalim ang samahan.

Pero magmula nang mag-umpisa silang mag-taping sa Pamilya Ko na isa sa top-raters programs ng

ABS-CBN ay hindi na nawalan ng communication ang mga nasabing aktres.

Kuwento pa ni Osang (palayaw ni Rosanna) sobrang busog lagi sila sa set dahil laging may dalang maraming pagkain si Sylvia. Well parehong best cook ang magkaibigan kaya magkasundo rin sila pagdating sa pagkain o iba’t ibang menu.

At dahil na-miss nila ang isa’t isa, hayun recently lang ay inimbitahan ni Ibyang (tawag kay Sylvia ng mga taong malalapit sa kanya) si Osang na mag-launch sa kanilang mansyon sa Pasig.

At sobrang saya ng kanilang bonding kasama ng ang mga anak ni Sylvia na sina Arjo at Ria Atayde at husband na si Art. May plano pala si Ibyang na mag-produce ng pelikula na pagsasamahan nila ni Osang at ang kaibigan nilang director na si Adolf Alix Jr, ang mag-didirek raw ng film.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …