Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dovie San Andres gusto pa rin mayakap ang inang si Elizabeth na namayapa na (Sobrang mapagmahal na anak)

Siguro kapag nabasa ng ilang bashers ni Dovie San Andres ang bagong artikulo ay hihinto na sila sa pakikialam sa buhay ni Dovie.

Yes, bukod kasi sa isang dakilang ina sa kanyang tatlong anak na lalaki ng nasabing controversial social media personality (Dovie), isa rin siyang mabuting anak sa kanyang parents na sina Mr. & Mrs. Elizabeth and Loreto San Andres.

Dalawang dekada nang personal na inaalagaan ni Dovie ang diabetic na daddy na si Loreto sa Canada. Kaysa kumuha sila ng caregiver ay siya na mismo ang nagpresenta na mag-alaga sa kanyang tatay na sa edad na 80 anyos ay malakas pa rin.

At magkasundong-sundo ang father and daughter na parang magbarkada lang. Nitong Father’s day ay binigyan ni Dovie ng special gift ang ama.

Samantala labis-labis na nami-miss ni Dovie ang kanyang mother na si Elizabeth at walang araw na hindi siya nangungulilala sa kanyang ina, na sobrang mahal niya. Namatay ang nanay ni Dovie noong February 18, 2014 sa Bicol dahil sa lung cancer.

Matagal rin silang nagkasama sa Canada ng kanyang mother na siya rin ang nag-alaga ng ma-confine sa isang ospital sa Canada. Ang isa pang sad part kay Dovie ay buwan rin ng Pebrero namatay sanhi ng bone cancer ang boyfriend niyang indie actor-model na si Khristian Michael Villanueva.

Kaya doble raw ang sakit na kanyang nararamdaman tuwing sumasapit ang month ng February. Love month ito sa nakararami pero sa kanya ay lungkot moment ang petsang nabanggit.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …