BUKOD sa mga online seller, ay balitang papatawan na rin ng tax ng gobyerno ang mga celebrity
YouTubers na kumikita ng limpak-limpak dahil sa millions of subscribers at bilang ng viewers ng kani-kanilang YouTube channel.
Ibig bang sabihin nito, bukod sa binabayarang tax sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ng mga
artista na galing sa mga kinita nila sa showbiz ay hiwalay pa itong raket nila sa YouTube.
Naku, baka wala nang matira sa income ng mga artists natin, ang hirap pa mandin ng trabaho nila na napupuyat sa magdamagang taping. Saka may pinapasuweldo pang admin at editor ang mga iyan. Ano na lang ang matitira sa kanila?
Well tulad ng mga nagbebenta sa online ay siguradong magre-react din ang mga celebrity na nasa YouTube. Majority ng ating mga big stars ay
may sari-sariling channel sa YT at lalo silang naging active lahat mula nang mag-umpisa ang enhanced community quarantine (ECQ) o lockdown dahil sa pandemya.
Naku, baka ‘yung mga nasa Tik Tok ay pagbayarin na rin ng buwis. Kalokah!
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma