Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel naiyak, emosyonal; tulong para sa network, hiniling

SA ginanap na virtual presscon para sa programang Iba ‘Yan ni Angel Locsin na nag-pilot kagabi, 6:15 p.m., sa Kapamilya Channel sa Sky Cable, GSAT, at PCTA cable channel ay natanong namin ang dalaga kung paano siya napapayag mag-host dahil sa pagkakakilala namin sa kanya, ayaw na ayaw niya ang hosting job.

`Napangiti ang aktres, ”oo nga, kilalang-kilala mo na talaga ako ‘Te Reg. Oo ayaw na ayaw ko talagang mag-host, hindi ko rin alam kung paano ako naging artista kasi sa totoo lang, may pagka-introvert po talaga ako. 

“Para sa mga nagsasalitang part, paartehin n’yo na lang ako, patalunin n’yo ako ng building, pahabol sa aso, mas magagawa ko pa ‘yan, pero ‘yung hosting natatakot akong gawin.

“Pero noong inilatag po nila sa akin itong show, and ito kasi ‘yung kailangan natin sa panahon ngayon, eh. ‘Yung show na makadadagdag ng inspirasyon, makadadagdag nga siguro, sorry sa term na gagamitin ko.

“Sa rami kasi ng problema na nangyayari ngayon sa Pilipinas, marami akong nababasa na, nakahihiya maging Filipino, nakahihiya maging ganyan-ganyan.

“Parang isa sa mga objective ng show na ito, bukod sa makapagbigay-ngiti at inspirasyon sa tao, is ‘yung maibalik ‘yung pagiging proud natin, na, ‘ahPinoy tayo!’ Ito ‘yung magagandang katangian natin. Ito ‘yung ugali ng Pinoy, katulad ng pagbabayanihan.

“Grabe tayong tumulong sa kapwa natin. Kahit nasalanta na tayo, ‘yung isusuot na lang natin na damit, isusubo na lang nating pagkain, ibibigay pa natin sa kapwa natin.

“So, isa ‘yun sa maganda sanang i-remind natin, lalo na sa mga kabataan natin ngayon, na ito, isa sa mga ugali ng Filipino, na hindi natin dapat ikahiya. Huwag tayong magwalang pakialam, makialam tayo. Patuloy nating gawin ‘yung magagandang traits. So, isa ‘yun sa nagpapayag po sa akin.”

Nabanggit ding dapat sana ay pahinga ngayon si Angel dahil inaayos nila ang kasal nila ni Neil Arce bago matapos ang 2020.

“Honestly, dapat pahinga po sana ako ngayon. Nag-aayos ng kasal. Pero, lahat naman tayo naka-pause ngayon, ‘di ba? Naka-pause ‘yung buhay natin. So kailangan nating mag-adapt sa panibagong normal.

“So, ito na ‘yung panibagong normal. And in a way, ito ‘yung gusto rin nating pang-reach out sa mga tao. Ito ‘yung pagbibigay natin ng serbisyo sa tao, sa ating munting paraan, ‘Yun po. Kaya napalabas ako ng lungga,” pahayag ng fiancée ni Neil.

At dahil nga unang beses bilang TV host kaya kinumusta namin ang first taping day niya at kung nakailang takes siya.

“Siyempre, nandoon ‘yung kaba. Pero mas nangingibabaw ‘yung excitement. Kasi maganda talaga ‘yung show, eh. Maganda ‘yung adhikain natin. Sabi nga nila ‘pag pure intention, walang magiging mali. Parang we’re here to serve,” saad pa.

Samantala, kilala si Angel na matapang, malakas at laging maaasahan sa lahat ng pagkakataon para tumulong sa mga nangangailangan.

Pero sinong mag-aakala na ang isang Angel Locsin ay naghihintay ding may tumulong sa kanya. Hindi kasi palahingi ng tulong ang aktres, hangga’t kaya niyang gawin ay go lang ng go.

Naging emosyonal si Angel nang tanungin siya ni Papa Ahwel PazDZMM Teleradyo host kung anong tulong ang magagawa sa kanya ng media/bloggers.

Aniya, ”Sir, ang laki po ng hihilingin ko sa inyo, na sana po mapagbigyan n’yo po kami. Siguro, aware naman po kayo sa sitwasyon namin ngayon, ng aming network.

“So, kailangan po talaga namin ng push. Naiiyak tuloy ako teka lang,” malumanay na sabi ng aktres.

Hanggang sa kinailangang patayin muna ni ‘Gel ang video dahil tumulo na ang luha niya.

“Hindi ko ito ine-expect, ha! Teka lang sandali, chaka ko. Mag-o-off lang ako ng video.”

Pagkalipas ng ilang segundo ay muling binuksan ni Angel ang kamera,

“Hinihiling ko po sana, kasi kailangan po namin iyong tulong niyo para ma-spread sa tao na nandito po kami, patuloy po kaming nagbibigay serbisyo sa tao.

“Ang hirap lang ng sitwasyon kasi po, talaga ngayon, but we’re fighting. Kung ano iyong naipangakong service sa mga Kapamilya namin, patuloy naming gagawin.

“So kailangan po namin ng tulong niyo, iyon lang.”

Anyway, kaya Iba ‘Yan ang titulo ng documentary show ni Angel ay tumatalakay ito sa mga Bayani na binaligtad lang at ang mismong aktres ang nag-suggest nito.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …