SA latest episode ng Shout Out Andre, si Mikee Quintos ang kinamusta ni Andre Paras. Ibinahagi ni Mikee ang dilemma sa pag-aartista at pag-aaral. Sa kasalukuyan, Architecture student si Mikee sa University of Santo Tomas.
“I took a break for a whole [semester] during ‘The Gift,’ ‘di talaga ako nag-aral noong time na ‘yon. Lagi kong naiisip na parang nag-uumpisa na sa isip ko ‘yung sinasabi sa ‘kin ng daddy ko, ng mom ko na ‘Pag nag-stop ka, ‘di ka na babalik kaya ‘wag kang mag-i-stop.’
“Iniisip ko noong ‘The Gift’ na baka biased lang ako mag-isip ngayon kasi happy ako, nagte-taping ako. Baka nauunahan ko lang sarili ko na ‘di ko lang gustong mag-aral. Pero come January, okey naman, nakapag-enroll ako, I started studying again, nami-miss ko mag-plate, oo, pero hindi pa ako fully into it,” kuwento ni Mikee.
Na-realize rin ni Mikee sa gitna ng quarantine na ang pag-arte talaga ang nais niyang gawin hanggang sa siya’y tumanda.
“One night, ikinuwento ko ‘yon sa ate ko. Sinabi ko sa kanya na, ‘Ate, napapaisip ako, ganito nafi-feel ko, how am I gonna tell my mom and dad? How are they gonna understand this?’ Sabi niya sa ‘kin, ‘Sinasabi mo na nand’yan ‘yung passion mo, ‘yung heart mo sa acting. If it’s really there, kahit mag-aral ka, kahit gaano katagal ‘yung kunin mong break sa showbiz, babalik at babalik ka ‘eh. Magkakaroon at magkakaroon ka pa rin ng work in the future kung nand’yan talaga ‘yung heart mo,” pagpapatuloy ni Mikee. “Roon ko nga naisip na it’s true na if it’s for you, it’s gonna happen. You just have to trust the process and trust God that he has a plan for you. Tapos ‘yun na, na-excite na akong mag-plates ulit.”
Panoorin ang heart-to-heart talk nina Andre at Mikee sa official YouTube channel ng Kapuso actor.
RATED R
ni Rommel Gonzales