Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Probinsyano, tatapusin na

TRULILI kaya na tatapusin na ni Coco Martin ang FPJ’s Ang Probinsyano?

Nagkukuwentuhan kami ng kilalang direktor at napag-usapan namin ang mga teleseryeng muling eere sa Kapamilya Channel simula ngayong Enero 15 at ang mga programang hindi na makakabalik at tinapos na lang ng ganoon.

“Oo, daming naapektuhan talaga sa pandemic, si ‘Probinsyano,’ tatapusin na ‘yan, kailangan lang graceful exit,” kaswal na banggit sa amin.

Nabanggit ding, “malakas kasi si Cardo Dalisay, marami siyang sponsors, kailangan tapusin lahat ang commitment. At saka moneymaker talaga ‘yung show ni Coco.”

Hirit namin na ibig sabihin ang mga programang hindi na nakabalik sa ere ay mahihinang kumita at sa ratings?

“Puwedeng oo, puwedeng hindi, may kanya-kanyang dahilan. Ano bang show ang tukoy mo?” balik-tanong sa amin.

Binanggit namin ang Pamilya Ko, Maalaala Mo Kaya (MMK), Ipaglaban Mo, at Make it with You.

“’Yung dalawa sa nabanggit mo, weekend shows naman ‘yun tapos 3 times a week pa taping, eh, ‘di ba nagtitipid nga ABS-CBN?

“Alam ko malakas ang ‘Make it with You,’ eh, baka may problema sa artists? ‘Yung ‘Pamilya Ko,’ wala ako idea bakit hindi na ibinalik,” pahayag ng aming kausap na direktor.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …