Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, ‘di na bida sa bagong project sa Dos

SA unang pagkakataon ay pumayag ng maging TV host si Angel Locsin na sa pagkakatanda namin noon ay ayaw niya dahil mas forte niya ang umarte.

Oo naman, magaling na artista talaga ang aktres, katunayan, ilang Best Actress trophies na ang natanggap n’ya mula sa iba’t ibang award giving bodies kasama na sa labas ng bansa.

Si Angel ang host ng programa niyang Iba ‘Yan na mapapanood na sa Hunyo 14, Linggo sa Kapamilya Channel na ang direktor ay ang fiancé na si Neil Arce.

Tatalakayin sa Iba ‘Yan ang lahat ng ginawang pagtulong ni Angel na dokumentado lahat.

Ayon sa post ng aktres sa kanyang IG account, “Angel Locsin po. Bida sa pelikula, bida sa teleserye.


“Pero rito, hindi po ako ang bida. Samahan n’yo po kaming ibida ang mga nakamamanghang kuwento ng mga Filipino.


“Pero hindi lamang po tayo magtatapos sa kuwentuhan lang. Kuwento ng Pinoy, iBaYan! Malapit na po sa Kapamilya Channel #iBaYan #KapamilyaChannel #abscbn @ibayanph PS. Directed by @neil_arce.

Hmm, hindi kaya binili ng ABS-CBN ang documented stories na ito ni Angel?

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …