MALAKI ang pasasalamat ni Janine Gutierrez na mayroon siyang sariling tahanan ngayong nasa gitna pa rin ng Covid-19 crisis ang ating bansa. Lumipat na kasi si Janine sa kanyang sariling condo noong 2016.
“Na-appreciate ko ‘yung bahay ko ngayon. Whatever I can find here na can be of use to someone else, I’m grateful that I have that,” pahayag niya.
Bukod dito, thankful din siya sa alagang aso na si Ponche dahil ito ang kasa-kasama niya sa condo simula nang pinatupad ang quarantine sa bansa.
“I never got to spend so much time with him until now because I’m always at work and naiiwan siya rito sa bahay. I’m glad that he’s here with me,” aniya.
Mag-isa man sa kanyang tahanan, sinisikap pa rin ni Janine na mag-vlog para maghatid ng saya sa kanyang subscribers sa YouTube. Rito rin niya unti-unting natututuhan ang new normal na haharapin ng bansa sa mga susunod na buwan.
RATED R
ni Rommel Gonzales