NASA puso ang pag-asa nating mga Filipino kaya hindi tayo dapat sumuko sa kahit anong pagsubok. Ito ang mensahe ng GMA Public Affairs sa bagong advocacy campaign na Nasa Puso Ang Pag-asa na unang napanood sa 24 Oras nitong Martes (May 19).
Sa pagsubok na kinakaharap natin dahil sa Covid-19, mga kuwento ng pagtutulungan, sama-samang pakikipaglaban, at muling pagbangon ang mapapanood sa Nasa Puso Ang Pag-asa campaign. Iniimbitahan din nito ang bawat Filipino na magbigay ng pag-asa at positive vibes sa ibang tao sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan sa kapwa—gaano man ito kaliit. Tiyak na marami ang maaantig ang puso sa mga kuwento ng pag-asa na hindi lamang sa TV mapapanood. Magiging available rin kasi ang mga ito sa official website ng GMA Network at sa official social media accounts ng GMA Public Affairs.
RATED R
ni Rommel Gonzales