Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pancho, magiging komadrona ni Max

SA online interview nina Max Collins at Pancho Magno, naikuwento ng aktres na na-discover niyang magaling pala mag-paint si Pancho. Noong high school ay mahilig na mag-paint si Pancho, ngunit ngayong naka-quarantine lang ulit niya naisipang gawing libangan ito. Acrylic ang medium na gamit, at kadalasan mga lugar sa bahay nila tulad ng balcony, sala, at garden ang mga ipinipinta nito.
Samantala, nalalapit na ang due date ni Max ngayong July. May pangalan na silang napili pero sikreto muna. Excited na rin sila pareho na makilala ang kanilang baby boy.
Kung kinakailangan, hindi magdadalawang isip si Pancho na siya mismo ang magpaanak kay Max!
At alam naman nating lahat na kakaiba ang sitwasyon ng lahat ng tao ngayon dahil sa panganib ng Covid-19, halos lahat ay nasa loob lamang ng bahay, kaya si Max ay sa bahay nila manganganak.
Mabuti na lamang at si Pancho, bukod sa pagiging isang Kapuso actor, ay isa ring registered Nurse!
Pero siyempre, asawa mo, parang ang hirap lang, pero siyempre, kakayanin mo naman lahat,” sinabi ni Pancho.
Halimbawang manganganak na si Max at nasa biyahe pa ang midwife ni Max at nata-traffic, although wala namang traffic sa panahon ng pandemic dahil lahat ay nasa ilalim ng iba-ibang level ng quarantine, kapag walang choice ay si Pancho ang magpapaanak sa misis niya.
RATED R
ni Rommel Gonzales
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …