Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris sobrang na-miss ng fans, naka-756K ang FB live

ANG daming naka-miss kay Kris Aquino dahil umabot sa 68.5k comments, 70k likes, at 756k views base sa datos ng Cornerstone Entertainment ang ginawang FB Live nitong Sabado, 8:30 p.m. hanggang 10:12 p.m..

Pawang positibo ang lahat ng komentong nabasa namin mula sa netizens na matagal na siyang inaabangan at iisa ang sinabi ng lahat, ‘you look good.

Kasi naman nakapagpahinga nang husto at malayo sa polusyon si Kris kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby sa loob ng dalawang buwan sa napakatahimik na lugar na Puerto Galera.

Sabi nga ni Kris kay K Brosas“baka ayaw mo rito sa lugar namin kasi ito ‘yung pinaka-tahimik na lugar and ang linis-linis ng tubig (sa dagat). Sa kabila kasi nandoon ‘yung party-party.

“Mag-two months na pala kami rito sa May 12, I’m so happy, nagustuhan ko na ang buhay probinsiya kasi simple lang.”

Pero umapela ang bunso niyang si Bimby na gustong-gusto nang bumalik ng Maynila.

“Sabi ko nga kay Bimb, may malakas naman ang internet, okay na,” sabi pa.

Hanggang sa na-off-the-air si Kris dahil nawalan ng koryente at generator ang ginamit sa resort.

“Hayan, sabi ni Bimb, nawawalan ng kuryente, gusto ko pa rin ba rito?”

Anyway, noong i-anunsiyo ng Queen of Social Media ang pagbabalik niya ng live sa online ay marami ang natuwa at hinihintay ang pagtatapos ng Enhance Community Quarantine, pero nanggulat si Kris dahil bisperas ng Mother’s Day ay nag-FB Live siya para sorpresahin ang lahat at ang mga nanay sa buong Pilipinas.

Aniya, “I‘ve missed you…BUT na feel ko special occasion ako dapat maki-connect ulit. SUPER SPECIAL ang araw na pinagdiriwang nating lahat ang mga ina, nanay, mommy, mothers and mamas.”

Nakatsikahan ni Kris sa kanyang FB Live ang kapwa niya Cornerstone talents na sina Empoy MarquezJaya, at K Brosas.

 

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …