Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko, grabe maghasik ng lagim

CURIOUS kami kung ano ang ratings ng mga programang ipinalalabas ngayon sa ABS-CBN na pawang mga replay dahil bukambibig ito ng mga nanonood ng TV habang naka-Enhance Community Quarantine ang buong Pilipinas.

 

Isa kami sa na-hook ngayon sa teleseryeng Wildflower dahil hindi naman namin ito napanood noong umere ito noong 2017 na umabot sa 257 episodes o umabot sa season 4.

 

Kaya naman pala bukambibig noon ang mga pangalang Ivy Aguas/Lily Cruz, Emilia Ardiente, Julio Ardiente, Diego at Arnaldo Ardiente, Jaguar, Camia/Jasmine, Raul Torillo at iba pa.

 

Bukambibig din ang mga hugot na ‘Wag Ako at Good Job!’

 

Ang mga nabanggit ang naghahasik ng lagim pagdating sa ratings game bago mag-TV Patrol.

 

Naka-chat namin kamakailan si Aiko Melendez na gumanap bilang si Governor Emilia Ardiente at nabanggit naming ang sama pala ng karakter niya sa Wildflower at natawa lang at sabay birong, “good job ba, ate?”  ‘Oo good job talaga, ang husay mo,’ sabi namin.

 

***

 

Prima Donnas, extended

Anyway, nasa Prima Donnas na ngayon si Aiko sa GMA 7 at dahil sa ECQ ay nahinto itong ipalabas at nami-miss na nga ng aktres ang mag-taping.

 

Nabanggit ding extended ang Prima Donnas, “kakapirma ko lang ng extension contract.”

 

***

 

‘Di napagtutulog sa kaiisip kung paano makatutulong

 

Samantala, hindi napagkakatulog ngayon si Aiko dahil nag-iisip kung paano makatutulong sa mga nangangailangan lalo’t na-extend ang Enhance Community Quarantine.

 

Nakapaghatid naman ng tulong si Aiko kasama ang boyfriend niyang si Zambales Vice Governor Jay Khonghun sa mga tagaroon ng diapers at gatas.

 

“Galing sa own pocket namin iyon, Ate walang pondo ang VG office sa calamity fund kaya sariling pondo kaya nag-raise ako ng sariling fund ko sa support ng mga kaibigan ko,” say ni Aiko.

 

Ang mga gamit naman ng frontliners tulad ng PPE, surgical face mask, gloves, face shields ay galing sa mga donasyon na hiningi niya sa mga kaibigang sina Carmina (Villaroel-Legaspi), Gelli (de Belen), Pops (Fernandez), Katrina Halili, Ogie Diaz at nagpahatid din ng tulong sina Senator Bong Go, Senator Bato, at Sen Cynthia Villar.

 

Ang mga ospital na nakinabang sa mga padala nina Aiko ay ang Marcelino District Hospital (Olongapo, Zambales), Philippine Heart Center, Candelaria Rural Health Center (Quezon), Calapandayan and the rest of Zambales.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …