Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim, gustong maka-inspire (kaya ipinost ang ipamimigay na relief goods)

TOTOO naman talaga na kapag tumulong ka sa kapwa ay hindi dapat ito ipinangangalandakan o ipinamamalita sa social media account kaya ito ang komento ng netizen sa aktres na si Kim Chiu dahil nga pinakunan niya ng video ang relief goods na ipinamahagi niya sa mga kababayang kapos.

 

May dahilan naman kasi si Kim kung bakit kailangan itong i-post sa panahong ito dahil para gayahin din ng ibang nakaluluwag na tumulong sa kapwa.

 

Ang caption ng aktres sa video post niya, “Day 16 quarantine, Day 14 na ng karamihan. Nag decide kami dito sa bahay na tumulong kahit papano sa mga kalapit barangay na malapit sa village namin since hindi pwedeng lumayo dahil naka lockdown. Natuwa kami na nakabuo kami para sa 500 families.

 

 “Ginawa ko to dahil na inspire ako sa ginawa ng kaibigan ko @guitauc gumawa din sila ng ganito para sa mga pamilya na malapit sa kanila na naapektohan ng community quarantine.

“Sana may ma-inspire din ako and gumawa din ng ganito, we can only do so much para sa mga kapamilya natin, kahit konte kahit paano gumaan man lang ang problema nila sa araw araw. Magtulungan tayo! Kakayanin natin to!


“Special thank you buena pamilya 
@haidzfernandez for helping me buy the grocery since hindi ako pwede bumili sa lugar nila. Thank you also sa pagtulong mag repack ng bigas and Thank you @kamchiu at sa mga angels ko sa bahay! Thank you din sa mga volunteers na tumulong mag distribute sa mga barangays.”

.

Ang komento ng netizen kay Kim, “Why need to post,WORK IN SILENCE AND LET THE SUCCESS MAKE THE NOISE. #ATTENTIONSEEKER

 

Ang sagot naman ni Kim sa pumuna sa kanya, “posting this to inspire others to also help. I guess di niyo po nakuha yung point ko.

 

“Instead you grow hate inside you. Bawasan n’yo po yan.

 

“Masama ‘yan sa panahon ngayon. All we need is LOVE and humanity.

 

“Spread love not hate. May God bless you.”

 

Oo nga naman, ‘tong mga taong panay ang puna sa mga artistang tumutulong sa kapwa, may nagawa ba kayong maganda sa kapwa ninyo ngayong panahong ito?

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …