Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam, may paglilinaw — I’m healthy with no symptoms

HINDI inaasahang magiging positibo sa Covid-19 si Iza Calzado kaya humihingi ng panalangin ang aktres at pamilya kasama na ang manager niyang si Noel Ferrer.

At dahil magkasama sina Iza at Sam Milby sa taping ng upcoming teleserye na Ang Iyo ay Akin handog ng JRB Creative Productions ay pinag-uusapan sa iba’t ibang chat group na pati ang aktor ay mayroon na rin lalo’t tahimik siya nitong mga huling araw.

Kaya tahimik ang aktor ay abala na naman siya sa paggawa ng kanta niya habang nagso-solo sa bahay niya.

At dahil sa nangyari kay Iza ay nag-post siya sa kanyang Instagram nitong Sabado ng gabi kasabay na rin ng pasasalamat niya sa lahat ng nagmamahal at nag-aalala sa kanya.

Ayon sa post ni Sam, “With so much happening around the world and in our nation right now, I know so many of us are fighting this seemingly overwhelming battle with prayer. Could I ask too, that you include my co actor @missizacalzado in your daily prayers as she has been in the hospital fighting the virus.

“Also thank you to everyone who has expressed concern for my health. I understand some articles have come out questioning my well-being but I’m healthy with no symptoms, nasa bahay lang doing self-quarantine.

“Let’s keep praying for Iza, and for everyone na nagtest positive, their families who are anxious too, and to our health workers who are the most exposed and all of our other frontliners who are out there risking their health and lives para sa atin lahat 🏽 #PrayingForIza #GratitudeForTheFrontliners.”

Hayan, maliwanag pa sa sikat ng araw na maayos ang kalagayan ng aktor.

Tinanong namin ang handler ni Sam sa Cornerstone na si Caress Caballero kung sino ang kasama ng actor sa bahay nito.

“Wala birthmate, home alone si Samuel, nagpapa-order na lang siya kung anong wala niya. Hindi rin niya kasama si Nene (personal assistant) dahil nandoon naman sa bahay niya (Sam) sa Pasig kasama ‘yung ate niya na matagal na rin nilang kasama,” kuwento ni Caress sa amin.

Mula sa Hataw, stay safe Samuel.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …