Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Regine, may kakaiba at nakakalokang advice kina Sarah at Matteo

NAKAKALOKA as in, nakakaloka talaga ang marriage advice ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez kina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Aba, anito kailangang mag-sex nang mag-sex ang dalawa para magtagal ang kanilang pagsasama bilang husband and wife.

Napaisip kami at naloka kung ‘yan talaga ang ginagawa nina Regine at Ogie Alcasid eh, bakit isa pa lang ang nabuo nila eh, matagal na silang nagsasama bilang husband and wife?

Sey ni Regine, ”Mag-sex lang sila nang mag-sex siguro… in a Christian way, kasama ‘yun! But no, communication talaga is very important. Kasi alam n’yo, magte-10 years na kami ng asawa ko and it doesn’t feel na ten years ko na siyang kasama.

“It doesn’t feel that way because he makes life so exciting for me. And since he does that, I also try to do the same.

“Kaka-text lang niya ng, ‘Hi miss, kailan uwi mo?’ Ako naman, ‘Sir, matagal pa sir, traffic pa sir.’ Yung little things like that will add color to your relationship,” pahayag pa ng Songbird.

Hirit pa niya sa kanyang anak-anakang si Sarah, ”Magligawan kayo nang magligawan. Ako, ‘yung asawa ko kaya, nililigawan pa rin ako. Magte-text ‘yun sa akin, ‘Hi, can I date you?’ Yung ganoon, pero kinikilig ka roon.

“Nakatutuwa ‘yun, kasi siyempre pareho kaming busy, nakahanap pa siya ng time para bolahin ako, ‘di ba? Minsan nakatutuwa rin ‘yun, kasama lahat ‘yun.”

Isa sa mga ‘ate’ ni Sarah si Regine sa showbiz kaya understandable kung ganoon katindi ang advice nito sa bagong kasal.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …