MADALAS pag-usapan at mag-viral ang sexy photos ni Bianca Umali sa Instagram posts, lalo na nang naka-two-piece bikini siya.
Mas marami pa ba siyang pagpapaseksi na ipakikita sa social media account niya sa 2020?
“Hindi ko po masabi, ayun nga po, actually ang dami-dami pong nagtatanong sa akin about the sexy photos that I’ve been posting, kung iyon na ba ‘yung image or am I ready for mature and daring roles.
“Being sexy is never an intention for me. Kapag nagpo-post po ako it’s not to show people na ito ‘yung gusto kong hitsura, ito ‘yung… ito na ‘yung goal ko, hindi po siya ganoon eh.
“The photos I post on my account are photos I see for myself na maganda at gusto kong i-post, not because magpa-sexy, hindi.
“Dahil gusto ko ‘yung memories sa picture na ‘yun, gusto ko ‘yung hitsura personally, kaya ko ipino-post sa personal account ko, iyon ‘yun, it’s never an intention to be sexy or daring.
“Hindi rin siya goal for me.”
Para rin iyon sa kalusugan o healthy lifestyle ni Bianca.
“Yes, lifestyle lang po siya sa akin and ‘yun lang po.”
Aprubado rin ng pamilya niya ang mga sexy IG photos niya.
“’Yung sa family wala pong kaso sa amin…well at least for my family, na nagpo-post ng ganoon.
“Wala po, proud po ako.”
Pero kung pictorial na para sa magazine cover or underwear endorsements, kung may offer, papayag si Bianca?
“Kung magazine cover…paano pong magazine? Is it like…”
Parang FHM, men’s magazine?
“Sa trabaho ko po kasi personally hindi ko po sinasabing ayoko, hindi ko rin po sinasabi na okay na akong mag-ganoon (pose ng sexy). Kung ano po ‘yung hihingin sa akin, gagawin ko ‘yung best ko.
“I will always have limitations lang, I can never show everything, but kung hanggang saan ang makakaya ko, kung ano ‘yung kaya kong ibigay sa kung ano ‘yung hinihingi sa akin, gagawin ko.
“Pelikula man ‘yan, serye man ‘yan, magazine covers man ‘yan, whatever, kung ano man po ‘yung kaya kong ibigay, kaya kong ipakita.”
Hindi nagbabasa si Bianca ng comments ng netizens sa IG photos niya.
“I don’t read, but I am aware that halo siya, na may mga negative and positive.”
Pero mas maraming positive, ang iba, lalo na ang mga kalalakihan, nabubuhay lalo ang “awareness” kay Bianca.
“Hay naku! Hahaha! Nabubuhay ang awareness!”
Aware siya na mas dumami ang male fans niya?
“Hindi po ako aware, but.. ano ba puwedeng masabi? Flattering…”
Bukod tanging Kapuso actress na pinag-audition
Samantala, para sa 2020 pagbibidahan ni Bianca ang Halfworlds, isang HBO series.
“Our season is the first HBO series na nagko-collaborate with Filipinos.”
Para ba itong Encantandia?
“Hindi po, mayroon lang siyang ganoong element, fantasy na action.
“Actually ang ‘Halfworlds’ ay mayroon nang three seasons, each season is done in different countries. The first one was in Thailand, the other season was in Indonesia and the third season is dito po sa Pilipinas.”
Ang Halfworlds ay ukol sa folklore ng isang bansa. Tatlong buwan na silang naghahanda nito sa pamamagitan ng workshops, trainings, script-reading, at characterization. Magsu-shoot sila January hanggang April.
Si Bianca lamang ang nag-iisang Kapuso na napili para mag-audition sa Halfworlds at ang ibang ipinatawag para sa audition ay puro Kapamilya actresses.
Rated R
ni Rommel Gonzales