Thursday , December 19 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

May Cordon Sanitaire si Mayor Isko

Integrity is telling myself the truth. And honesty is telling the truth to other people.

— Patrick Spencer Johnson

 

NAPAGTANTO ng karamihan sa mga taong matagumpay sa buhay na “kahit anong laki o halaga ng kanilang nagawa, importante pa rin makinig sa sinasabi ng iba.”

Marahil ay mahalagang payo ito sa ating butihing alkalde ng Maynila na si Francisco “Isko Moreno” Domagoso — simula nang maging politiko, sana’y nalaman niya na upang magtagumpay sa kanyang adhikaing mkapagtatag ng matinong pamunuan kailangan matutuhan niyang ihiwalay ang tahas sa butil.

Isang Lunes ng umaga, sinuwerte tayong masaksihan ang alkalde sa kanyang paghahalimbawa sa tunay na pagserbisyo sa publiko sa isinagawang flag ceremony sa dambana ni Andres Bonifacio kalapit ng city hall. Dito niya idiniin ang halaga ng tapat na paglilingkod na may pananagutan sa kanyang mga nasasakupan.

Matapos ang kanyang talumpati, nagulat ang lahat sa pagdating ng Pambansang Kamao na si Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao, na nagbigay din ng kanyang mensahe ukol sa katapatan sa tungkulin at ang political will na gawin ang nararapat — tulad ng sinabi ni Mayor Isko bago pa siya naupong punong ehekutibo ng lungsod.

Naniniwala tayo na ang ating alkalde ay isang “lider ng mamamayan,” na nangangahulugang sensitibo sa mga suliraning kinakaharap ng mga ordinaryong tao araw-araw at may paninin­digang gawin ang wasto para sa taongbayan.

Subalit ano ba ang nararanasan natin sa mga taong nakapaligid sa kanya? Dito makikita natin ang madalas na eksena sa mga tanggapan ng pamahalaan na ang ‘boss’ ay protektado ng tinatawag sa Pranses na cordon sanitaire.

Gayonman, mula mismo kay Mayor Isko, sinasabi niyang maraming tao ang lumalapit sa kanya at dahil lang sa sarili nilang interes at para humingi din ng pabor. Ang nakagugulat dito ay kung bakit ang ganitong mga uri ng tao ang nakalalapit sa kanya at hindi yaong nais makatulong sa kanyang ituwid ang baluktot para sa kapakanan ng lungsod at ng publiko.

Ako mismo ay nakaranas na paghintayin. Nais ko sanag tanungin ang ating alkalde ukol sa balitang sinabi sa akin ng kanyang kababata na sinabihan siyang alisin ang mga middleman sa mga transaksiyon ng pamahalaang lungsod, tulad ng pagbili ng mga clamp na gagamitin para sa mga sasakyang ilegal na nakaparada sa mga lansangan at kalsada.

At hindi sa pagpapaalis ng mga middleman ang nakadududa rito dahil idinagdag raw ng isang opisyal na presyohan ang mga clamp ng P19,000 bawat isa mula sa tunay na presyong P3,000 lang.

Kung wala ritong anomalya, hindi ko na alam kung ano ang tapat na pagserserbisyo sa ating lipunan…

***

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o kaya’y i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL
ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *