Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Comelec nagbabala sa mga nanalong kandidato: Walang SOCE, ‘di makauupo sa puwesto

BINALAAN ng Commis­sion on Elections (Comelec) ang mga nag­sipanalong kandidato sa katatapos na midterm elections nitong 13 Mayo na hindi sila makauiupo sa puwesto kapag hindi sila nakapagsumite ng kanilang statement of contributions and expen­ditures (SOCE) bago o sa 13 Hunyo.

Sa opisyal na paha­yag, ipinaliwanag ni Comelec education and information director James Jimenez na: “sa ilalim ng batas, kinakai­langan magsumite ang lahat ng mga kandidato at partidong politikal ng kanilang SOCE sa loob ng 30 araw matapos ang halalan.”

Gayonman, sa pag­kon­sidera na ang huling araw ng paghahain ng SOCE ay sa 12 Hunyo na isang holiday dahil Araw ng Kalayaan, idinagdag ni Jimenez na maaari pa rin isumite ng mga kandidato ang kanilang SOCE sa susunod na araw, 13 Hunyo.

Batay sa probisyon ng Omnibus Election Code, walang sinumang nahalal sa alinmang posisyon sa pamahalaan ang maaa­ring makapasok sa kan­yang tungkulin kung hindi nakapaghain ng kanyang SOCE na nararapat isu­mite sa Comelec sa loob ng 30 araw simula nang araw ng halalan.

Sakop din nito ang mga kandidatong hindi nanalo o nakakuha ng posisyon sa pamaha­laan.

Ang sinumang mabi­gong isumite ang kanilang SOCE ay mahaharap sa kasong administratibo.

“The submission of the SOCE by mail, courier or any other messenger services will not be accepted, while failure to file the SOCE will result in adminis­trative sanction against the candidates and poli­tical parties,” pagdidiin ni Jimenez.

(TRACY CABRERA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …