Saturday , November 23 2024
Tito Sotto Mino Sotto Boy Tokwa, Lodi ng Gapo
Tito Sotto Mino Sotto Boy Tokwa, Lodi ng Gapo

Tito Sotto, kompiyansa sa galing ni Jose kaya pinagbida sa Boy Tokwa

IKINOKONSIDERANG isa sa pinakasikat at kuwelang karakter si Boy Tokwa sa Olonga. Ito ang binigyang linaw sa amin ni Senador Tito Sotto nang makausap sa presscon ng Boy Tokwa, Lodi ng Gapo na handog ng kanyang VST Production Specialists Inc., at pinagbibidahan ni Jose Manalo.

Ani Tito, may pagka-Robinhood si Boy Tokwa na ang mga tinatalo ay mga US Navy. Bukod dito’y nakatutuwa ang mga karakter na involve sa kanya.

“Nariyan pa kasi sila. Buhay pa sila. ‘Yung batang utusan nila, si Mayor ng Olongapo, si Mayor Rolen Paulino, sina Gen. Briones na dating nagkulong kay Boy Tokwa na kaibigan na nila, Nonong Bagatsing na talagang barkada rin niya at tumulong sa kanya sa abroad. Lahat sila buhay pa, maliban na lang kay Robert na asawa ni Kitchie Benedicto.

“Naikuwento nila sa akin ito at talagang napakaganda,”  pagmamalaki ni Tito Sen.

Dagdag pa ng senador, ”As a matter of fact, ang inisip niya (Kitchie) noong una ay si Joey (de Leon). Sabi niya, ‘okey kaya kay Joey na gawin ito (Boy Tokwa)? ‘Sige ‘ika ko, tatanungin natin.’ Pero teka ano bang hitsura ni Boy Tokwa? Naririnig ko lang kasi iyon sa Olongapo. Nasabi nila na kamukha ni Jose at nakita ko naman. Medyo pareho sila ng landscape ng balat at mukha. At hawig talaga sila. Kaya naman sabi ko, si Jose ang mas bagay.”

Pagpapatuloy pang paliwanag ng senador, ”Naging magandang pagkakataon na rin ito para magkaroon ng solo break si Jose. Noong tinanong ko si Tony Tuviera at si Vic (Sotto) pareho sila ng sabi na, ‘sige subukan mo, maganda ‘yan.’ Kasi sila busy naman sa kani-kanilang produksiyon kaya hindi ko maialok sa kanila na ‘gawin mo ito.’ Kaya might as well do it on our own. Tutal ang mga anak ko naman ay kaya nilang patakbuhin ito. At isa sa mga apo ko interesadong-intersadong maging actor.”

Ang tinutukoy ni Tito Sen na apo ay ang anak ni Apples, ang panganay niyang anak, si Mino Sotto. Na anang senador ay isang painter pero mahilig din sa acting.

“Sabi ko sige, might as well give it a try. Eh napakagandang project, dahil totoo. True story siya. Totoo ang mga karakter pero siyempre iniba lang natin for cinematic purposes and legal purposes. Iniba natin ng kaunti ang mga pangalan lang, pero ‘yun ang mga karakter na bumuhay sa buhay ni Boy Tokwa.”

Nang tanungin ang senador kung paano nito kinausap si Jose? Sagot nito, ”Noong isang pagkakataong nagkita kami. Matagal na, noong mamatay si Bobby Ortega, that was the time na pinag-usapan namin ni Kitchie ito eh. Binanggit ko kay Jose na may magandang istorya, magandang gawing pelikula dahil napakaganda ng buhay.

“Nakakatawa na nakatutuwa na nakaiiyak, nakalulungkot na buhay ng isang sikat na karakter sa Olongapo. Eh Olongapo nga. Ang maganda pa rito, si Direk Tony Reyes, pinagsama-sama niya mula 1960 na nag-umpisa mula noong nagtungo sa Olonga, eh taga-Sampaloc siya talaga, member siya ng Bahala Na Gang. Binalikan ni direk Tony ‘yung koneksiyon ng Olongapo at Subic sa Vietnam war, sa Martial Law.

“May historical value at perspective pa ang pelikula sapagkat iyon ang pinagdaanan ng buhay ni Boy Tokwa. Mula 1960- hanggang 1990.”

Bukod dito, aminado rin naman ang senador na number one therapeutic niya ang pelikula kaya naman hindi nawawala ang passion niya rito.  

Sinabi pa ni Tito Sen na hindi ito ang una at huling pagpo-prodyus nila ng pelikula at tiyak na masusundan pa ang Boy Tokwa na kapupulutan ng aral at nababagay sa mga Filipino.

Ukol naman sa apong si Mino, ”Ipinasuri ko ang attitude niya sa mga anak ko. Kasi ang tingin ko mana sa Lola niya eh (Lola Helen). May acting eh.

“Anyway, ang patakaran ko kapag may kamag-anak ako, anak o apo na mahilig sa showbiz pero walang talent, dini-discourage ko. ‘Pag mayroon naman akong apo o anak na may talent hindi mahilig, idi-discourage ko rin. Ngayon, kapag may talent at may hilig, eh ‘di sige.”

Sa Lola Helen nagsabi ang apong si Mino na gusto niyang pasukin ang showbiz. ”Madalas siyang magpaturo sa Lola niya at kay Ciara. As a matter of fact, nag-worskhop pa siya kaya interesado talaga siya.

Pero aminado ang apong si Mino na hindi siya marunong kumanta at sumayaw.”Doon ako natutuwa sa kanya na hindi niya pinipilit na kumanta kahit hindi naman marunong kumanta. Mayroon ding pinipilit sumayaw eh hindi naman graceful.

“Siya eh, alam niya capabilities niya. Alam niya kung saan siya puwede. Ine-encourage ko. Magaling talaga siyang umiyak,” buong pagmamalaki pa ng Lolo Tito sa kanyang apo.

Sa Enero 8 na mapapanood ang Boy Tokwa at bida rin dito sina Joey Marquez, Buboy Villar, Allan Paule, Gian Sotto, Karel Marquez, Sophie Rankin at marami pang iba. Mula ito sa direkrsiyon ni Tony Y. Reyes.

At bago magtapos ang pakikipag-usap namin sa senador, ipinaalala nito sa mga manonood ng Boy Tokwa na magdala ng panyo dahil tiyak na aantigin ang damdamin ng viewers ni Jose dahil isang dramedy ang pelikulang handog nila.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto

Negros Occidental katuwang na ng MTRCB tungo sa Responsableng Panonood

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY na idinaos ng Movie and Television Review and Classification …

Arjo Atayde Maine Mendoza Topakk

Arjo itotodo ang lakas sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales KUNG abalang-abala si Arjo Atayde bilang isang mahusay na aktor at masipag na …

Vilma Santos Aga Muhlach Uninvited

Aga personal choice ni Vilma, magsosolian ng kandila kung ‘di tinanggap

MA at PAni Rommel Placente SPEAKING of Vilma Santos, sinabi  ng  Star For All Seasons na hindi naging …

Nadine Lustre Vilma Santos Aga Muhlach

Nadine sa pakikipagtrabaho kina Vilma at Aga — An oppurtunity of a lifetime

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nadine Lustre sa mga bida sa pelikulang Uninvited ng Mentorque Productions. Gumaganap siya rito …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Aktres naunahan ni choreographer kay matinee idol

ni Ed de Leon UMAMIN daw ang isang dating matinee idol na noong araw na nagsisimula pa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *