Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
internet wifi

Prankisa ng 3rd player sa telco pasado sa Kamara

Inaprobahan na ng  House committee on legislative franchise ang prankisa ng kontrobersiyal na Mindanao Islamic Telephone Company Inc., (Mislatel) kahapon kasabay ang pagpayag na ilipat ang controlling shares nito sa tatlong business partners na may pag-aari sa kompanya.

Nauna nang inihain ni Quirino Rep. Dakila Cua ang Concurrent House Resolution (CHR) No.23 na ilipat ang controlling shates ng Mislatel sa Udenna Corporation (Udenna) na pag-aari ni Dennis Uy,  Chelsea Logistics Holdings Corp. (Chelsea) at China Telecommunications Corporation (China Telecom).

Sa pagdinig ng Committee on Legislative Franchise na pinamumuan ni Palawan Rep. Franz Alvarez, inaprobahan ang resolution ni Cua.

Sa ambush interview kay Alvarez, itinanggi niya na inutusaan siya na madaliin ang pagpasa sa nasabing resolution.

“Walang order. Lahat naman ‘to idinaan sa tamang process. Wala naman ini-railroad wala namang minadali,” ayon kay Alvarez.

“Hindi naman talagang puwedeng hintayin. Paano kung ilang taon ‘yun? Hindi natin masasabi kung gaano katagal ang court case nila. Ang amin dito i-determine kung valid pa or tama ang pagbili nila, humingi naman sila ng permit sa pagbili ng Mislatel kasi ‘yun naman ang provision ng franchise. ‘Pag mayroong sale babalik sila para humingi ng permission para payagan ng Congress which is ‘yun naman ang ginawa nila. Ang kailangan natin i-determine, outside of that, hindi natin concern,” dagdag ni Alvarez.

(GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …