Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Digong ‘di sisiport sa Balangiga Bells handover ceremony

HINDI pupunta  si Pa­ngu­long Rodrigo Duterte sa handover ceremony ng Balangiga bells sa Vil­lamor Air Base sa Pasay City ngayong araw.

Sa halip, ayon kay Presdiential Spokesman Salvador Panelo, magtu­tungo ang Pangulo sa 15 Disyembre para sa turn-over ceremony sa St. Law­rence The Martyr Church sa Balangiga, Eastern Samar, ang orihi­nal na kinalalagyan ng mga kampana bago ninakaw ng mga Ameri­kanong sun­dalo noong 1901.

Ang pagbabago sa iskedyul ng Pangulo ay batay sa rekomendasyon ni Defense Secretary Del­fin Lorenzana.

Itinuturing na maka­say­sayan ang pagbabalik ng tatlong kampana sa mismong mga taga-Ba­langiga sa Eastern Samar dahil ninakaw ito ng US  bilang war booty matapos ipag-utos ni US General Jacob Smith na patayin ang lahat ng kalalakihan, edad 10-anyos pataas sa Samar nang mapaslang ng mga Filipino ang 46 sundalong Amerikano noong Fil-Am war.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …

Amok na pasabero sugatan sa boga ng nagrespondeng airport police

BIINARIL ng mga pulis ang isang 54-anyos guwardiya nang manlaban sa inspeksiyon at tinangkang saksakin …

MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO 6 pulis sa robbery holdup

Sa pagkakasangkot ng 6 pulis sa robbery/holdup
MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO

ni Niño Aclan SINIBAK sa puwesto ang chief of police (COP) ng Manila Police District …