Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dennis Trillo Coco Martin
Dennis Trillo Coco Martin

Dennis Trillo, aminadong idol si Coco Martin!

ISA si Dennis Trillo sa tampok sa pelikulang One Great Love ng Regal Enetratinment na tinatampukan din nina Kim Chiu at JC de Vera.

Ang One Great Love ay mula sa pamamahala ni Direk Eric Quizon at tinatampukan din nina Miles Ocampo at Marlo Mortel. Isa ito sa inaabangang entry sa darating na MMFF 2018 na magsisimula sa December 25.

Bagay na bagay ngayong Kapaskuhan ang pelikulang ito na isang dream-come-true movie project para kina Dennis at JC na kapwa gustong makatrabaho si Kim.

Si Kim ay gumaganap dito bilang si Zyra Paez, isang babae na naniniwala na ang love ang magbubuo at maghahatid sa kanya ng kaligayahan. Si JC si Carl Mauricio, na siyang one great love ni Zyra. Ngunit, dahil sa turbulent past ni Carl, madalas niyang nasasaktan nang hindi sinasadya, ang babaeng mahal niya. Si Dennis naman si Ian Arcano, Zyra’s dependable friend, na eventually ay maiinlab sa kanya.

Sa pelikula, sina Den­nis, JC, at Kim ay masu­suong sa isang love triangle. Ang buhay ng tatlo ay magkakaroon ng konek­siyon sa istorya na magpa­pakita na tulad ng lahat nilalang, na naghahanap ng pagmamahal, ngunit sa iba’t ibang pananaw o pamamaraan.

Maraming kaabang-abang na eksena sa peliku­lang ito, pati na ang pagsa­bak ni Kim sa nakakikiliting love scenes.

Samantala, sa presscon ng One Great Love ay nakahun­tahan namin si Dennis at dito’y nabanggit niya ang paghanga kay Coco Martin na bida ng FPJ’s Ang Probinsyano, kata­pat ng show nila ni Dingdong Dantes sa GMA-7 na Cain at Abel.

Dito’y inusisa namin si Dennis na sakaling magkita sila ni Coco, ano ang sasabihin niya?

Saad ni Dennis, “‘Coco congrats sa iyo, bilib ako sa iyo, idol kita kasi marami kang natutulungang tao, artista man o hindi. Gusto ka naming tularan, idol ka namin brother.’”

Game ba siyang maging kontrabida ni Coco? “Gustong-gusto ko iyon, gustong-gusto kong maging kontrabida, dati ko pang sinasabi na ito and dream role ko

Sana, sana ay mangyari iyon,” nakangiting sambit ni Dennis.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …