MARAMING reklamo ang nakararating sa inyong lingkod sa baradong trapiko mula sa P. Burgos hanggang Jones Bridge patungong Binondo at Divisoria.
Dati namang maluwag ang trapiko noong buksan ang intersection sa Magallanes Drive at P. Burgos, pero nakapagtataka kung bakit isinara?!
Ang siste, kapag isinara ang nasabing intersection, wala nang ibang lulusutan ang mga sasakyan mula sa Quiapo kundi ang tumulay sa Jones para kumaliwa sa Dasmariñas, saka aahon sa Jones ulit tapos saka kakanan sa Magallanes patungong Pier.
Hindi natin alam kung sinong ‘henyo’ ang umareglo gang ganitong ruta. Kaya hindi nakapagtataka na halos hindi umuusad ang mga sasakyans a P. Burgos northbound pero pagkaluwag-luwag sa P. Burgos southbound.
Kung totoong barado ang trapiko bakit maluwag sa kabilang bahagi ng sasakyan?
Bakit kailangan isara kung mayroon namang nagmamandong traffic enforcers?!
Mayroon bang ‘hiwaga ang Guadalupe’ sa hindi maipaliwanag na pagbabara ng trapiko sa area na ‘yan sa Intramuros at Ermita?!
Paging MPD, MMDA and MTPB!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap