Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Speed Anawim Home
Speed Anawim Home

SPEEd, nag-birthday sa Anawim

IPINAGDIWANG ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang ikatlong anibersaryo sa pamamagitan ng isang outreach program sa Anawim Home For the Abandoned Elderly sa San Isidro, Rodriguez, Rizal kamakailan.

Ang Anawim ay isang institusyon na suportado ng kilalang Catholic lay preacher at minister na si Bro. Bo Sanchez.

Isa sa mga matagal nang nakatira sa Anawim ay ang dating entertainment editor at scriptwriter na si Iskho Lopez na tuwang-tuwang makita ang mga kaibigan sa SPEEd.

Nagpasa­lamat si Iskho sa mga maagang Pamasko na natatanggap nila mula sa mga tao at grupo na patuloy na nagbabahagi sa kanila ng tulong.

Bukod sa simpleng entertainment program, namahagi rin ng pagkain, gamot, at iba pang mga gamit ang grupo ng mga editor sa mga taga-Anawim.

Naghandog naman ng ilang kanta at sayaw ang mga lolo at lola bago matapos ang programa.

Ilan sa mga tumulong para maisakatuparan ang ikatatlong outreach program ng SPEEd ay ang Unilab, sa pangunguna ni Claire de Leon Papa, Healthy Family ng Manila Water, Wilson Flores ng Kamuning Bakery, Perci Intalan ng IdeaFirst Company.

Nakiisa rin sa outreach program ng SPEEd sina Aileen Go ng Megasoft, Reí Tan ng Beautederm, at PR/publicist na si Chuck Gomez.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …