Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinay sa Saudi patay sa lason (Kinompirma ng DFA)

TINIYAK ng mga opisyal ng Philip­pine Embassy sa Saudi Arabia na masusing iimbestigahan ang ulat na minaltrato ng kanyang amo ang isang Filipina domestic helper na namatay makaraan umanong uminom ng lason, ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs, nitong Linggo.

Ang biktimang si Emerita Gannaban, 44, ay nagtungo sa Saudi Arabia para magtrabaho noong Hunyo. Siya ay namatay sa Prince Mo­ham­med bin Abdulaziz Hospital sa Riyadh noong 29 Oktubre.

“The Department assures the family of Gannaban that it would take a closer look into her death as well as alle­gations that she had been maltreated,” ayon sa DFA.

Ang mga opisyal ng Philippine Embassy sa Riyadh ay nakikipag-ugnayan sa pamilya ni Gannaban gayondin sa kanyang amo at re­cruiters sa Manila at Riyadh kaug­nay sa pro­seso ng pag-uwi ng labi ng biktima sa Filipinas kapag natapos na ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa kanyang pagkamatay.

“The embassy is waiting for the results of the autopsy conducted on Gannaban,” pahayag ng DFA.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …