Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sapat na rice supply tiniyak sa publiko

MAKATITIYAK ang mga Filipino na mananatiling sa­pat ang supply ng bigas sa susunod na mga araw bilang resulta ng ipatutupad na polisiya ng gobyerno hinggil sa pang-aangkat ng bigas, ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez kahapon.

“Malinaw ang polisiya ng ating pamahalaan lalo ang bilin ni Presidente [Rodrigo] Duterte talaga, punuin ninyo ng stock ‘yan,” paha­yag ni Lopez, nang itanong kung dapat man­gam­ba ang publiko hinggil sa umuunting supply ng bigas sa bansa.

“Hindi na bale tayo ay sumobra, huwag lang kumu­lang kaya mag-import nang mag-import,” dagdag niya.

Kamakailan, dumanas ang bansa ng krisis sa bigas dahil sa pagbaba ng supply nito sa ‘dangerous levels,’ kaya napilitan ang gobyerno na magpatupad ng mga hakbang upang matiyak na magiging sapat ang supply sa mga Filipino.

Bukod sa pag-angkat, sinabi ni Lopez, tiniyak din ng gobyerno na mabibigyan ang local rice producers at mga magsasaka ng mga insentibo sa pagtulong na mapataas ang supply ng bigas.

“‘Yung local supply din, mag-mill tayo nang mag-mill habang ngayon ay harvest season,” aniya.

“At ang NFA (National Food Authority) nga, nagbi­gay pa sila ng incentive para makabili sila sa local farmers, so in other words hindi rin lugi ang farmers,” dagdag niya.

Ayon kay Lopez, itinaas ng NFA ang buying price ng palay mula sa local farmers, mula P17 patungo sa P20.70.

“Mainam ‘yun sa farm­ers at the same time maka­pag-iimbak ang NFA ng local rice rin, at ‘yun ang imi-mill nila,” aniya.

Ang Department of Trade and Industry at Department of Agriculture ay nagpalabas kamakailan ng ‘suggested retail price’ para sa bigas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …