Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Narco mayors ‘di lulusot sa ‘high treason’

Hataw Frontpage Narco mayors ‘di lulusot sa ‘high treason’
Hataw Frontpage Narco mayors ‘di lulusot sa ‘high treason’

 

MAHAHARAP sa kasong “high treason” o pagtataksil sa bayan ang alkaldeng mapatutunayang sangkot sa illegal drugs.

“It is high treason if you do that to your country. So, iwasan ninyo ‘yan. I’m not saying that it’s all about money, but you can have comfortable lives if you are a mayor. Just avoid drugs,” ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa League of Municipalities of the Philippines (LMP) Luzon Island Cluster Conference sa SMX Convention Center sa Davao City kamaka­lawa.

Hinimok ng Pangulo ang mga alkalde na gam­panan ang kanilang man­dato sa publiko nang may integridad, katapatan at pananagutan.

“As a former mayor myself, I understand the difficulties you are facing as you fulfill your man­date. That is why I am striving to provide our local governments the capability to address these difficulties through reforms and harness the potential of local busi­nesses and promote good governance, especially at the local level,” anang Pangulo.

Binigyan diin ng Pa­ngulo, ang kanyang kam­panya kontra illegal drugs ay walang puwang sa kompromiso.

Kaugnay sa halalan, tiniyak ni Pangulong Duterte sa mga alkalde ang buong proteksiyon at bibigyan sila ng dalawang unipormadong security escort habang sa mga kritikal na lugar ay mag­tatalaga ng mga sundalo.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …