Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gringo itatalaga sa cabinet post

ISANG posisyon sa kan­yang gabinete ang iaalok ni Pangulong Ro­drigo Duterte kay Sen. Gringo Honasan, ayon sa source sa Pala­syo.

Sinabi ng source na napag-usapan na dati ang posibilidad na maging cabinet secretary ng administrasyong Duterte si Honasan na magtatapos ang termino bilang senador sa Hunyo 2019.

Anomang araw ay magaganap aniya ang pulong nina Duterte at Honasan hinggil sa magiging bagong posi­s-yon ng senador sa gobyerno.

Ilan sa bakante at mababakanteng puwesto sa gabinete sanhi ng 2019 midterm polls ang Special Assistant to the Presi­dent, Cabinet Secretary, TESDA Director General, at Agrarian Reform Secretary.

Sina Duterte at Ho­nasan ay matagal nang magkaibigan at pawang miyembro ng pangkat na Guardian Brother­hood.

Si Honasan ay dating Philippine Army colonel at isa sa founder ng Reform the Armed Forces Movement (RAM) na nagkaroon ng mala­king papel sa pagbagsak ng rehimeng Marcos at nasangkot sa ilang coup d’ etat laban sa gob­yernong Cory Aquino at Gloria Arroyo.

Aminado si Duterte na mas kursunada ni­yang italaga sa kan­yang gobyerno ang mga retiradong militar dahil magaling silang magtra­baho kaysa mga sibilyan.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …