Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Suspensiyon ng excise tax idinepensa ng Palasyo

Hataw Frontpage Suspensiyon ng excise tax idinepensa ng Palasyo
Hataw Frontpage Suspensiyon ng excise tax idinepensa ng Palasyo

WALANG indikasyon na bababa  pa sa 80 dollars per barrel ang presyo ng langis sa world market hanggang Disyembre kaya imposibleng bawiin ang suspensiyon ng excise tax pagsapit ng Enero 2019.

Ito ang pahayag ni  Finance Assistant Secretary Tony Lambino kaugnay sa obserbasyon na baka ginagamit ang maagang anunsiyo ng suspensiyon ng excise tax sa 2019 para bumango ang administrasyon, na maaari umanong maka­­impluwensiya para gumanda ang standings ng mga kandidato para sa eleksiyon 2019.

Inilinaw ni Lambino na walang kinalaman sa sumisiglang politika ngayon sa bansa ang maagang paanunsiyo ng pamahalaan para isus­pende ang excise tax sa mga produktong petrolyo sa 2019.

Sa press briefing sa Malacañang, iginiit ni Lambino na layunin nang maaga nilang anunsiyo ng supensiyon na maiwasan ang ibayo pang espe­kulasyon.

Ang espekulasyon kasi aniya ang pangu­nahing dahilan kung bakit tumataas ang presyohan ng langis sa merkado.

Malaking bagay ayon kay Lambino na ngayon pa lamang ay malaman ng publiko na susus­pendehin ang excise tax para makampante rin ang kanilang kalooban.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Brian Poe Llamanzares FPJ Panday Bayanihan

Manigong Bagong Taon: Pamamahagi ng New Year Food Packs para sa mga kawani ng Legislative Security Bureau

QUEZON CITY — Sa patuloy na diwa ng malasakit at bayanihan, pinangunahan ni Cong. Brian …

NBI VACC

Estudyanteng Pinay na ginamit para sa extortion laban sa isang negosyante nagpasaklolo sa NBI

HUMINGI  ng saklolo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 18-anyos estudyanteng   Pinay kasama …

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …