Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Thea Tolentino
Thea Tolentino

Masyadong concern ang mga basher sa amin — Thea

DATING magkarelasyon at ngayon ay magkaibigan sina Thea Tolentino at ang Kapuso male star na si Mikoy Morales.

At kamakailan ay nakipagsagutan si Mikoy (at nakipagmurahan) sa ilang mga basher sa Twittter; may kinalaman ito sa isyu na nagli-link kina Juancho Trivino (na kaibigan ni Mikoy) at Maine Mendoza.

At dahil kaibigan niya si Mikoy, at dahil sa isang thread ng usapan sa Twitter ay isa si Thea sa katsikahan nina Mikoy at Juancho na may sumingit na basher at hiningan namin si Thea ng reaksiyon tungkol dito.

Ano na ang pinakamasakit na pamba-bash na ang naranasan ni Thea?

Hindi rin naman talaga magandang tingnan na sumasagot kami pero hindi rin naman tama ang thinking ng karamihan na porke ‘artista’ kami ay we don’t have the right to speak o ipahayag ang mga reaksiyon namin.

“Freedom of speech nga, ‘di ba? Karamihan sa amin siyempre kontrolado pa namin mga emotion namin kaya hindi kami sumasagot at alam namin na wala namang patutunguhan.

“Minsan lang talaga, kailangan nang sumagot eh. Baka nakalilimutan nila, hindi lang kami ‘artista’, tao rin kami na kung ano ang nararamdaman nila, nararamdaman din namin.”

Dati ay sumasagot si Thea sa bashers.

Pero I’ve learned my lesson na huwag na lang kasi nagkaka-tension headache ako kasi nakikita ko kung paano mag-isip ‘yung iba.

“Yun bang basta lang makapag-post sa social media na wala naman kalaman-laman talaga ang mga sinasabi.

“Ang masasabi ko lang, masyado silang concerned sa buhay namin na mga bina-bash nila na ‘pag wala kami, wala silang buhay o makabuluhang ginagawa sa buhay nila.

“Nakakalungkot,” pahayag pa ni Thea na nakausap namin sa taping ng Asawa Ko, Karibal Ko na mapapanood na simula October 22 sa GMA.

Idinerene ni Mark S. dela Cruz, kasama ni Thea rito sina Kris Bernal at ang nagbabalik-Kapuso na si Rayver Cruz.

Ano ang pakiramdam ni Thea na sa unang teleserye ni Rayver sa GMA ay ka-love triangle siya?

Kumusta katrabaho si Rayver?

Masaya na kakabalik lang ni Rayver, nakasama agad namin siya sa show na ‘to. Masayang katrabaho si Rayver. Palabiro. He is professional,” sinabi pa ni Thea.

Nakatrabaho na ni Thea si Kris sa mga guesting pero ito ang pinakauna sa isang regular drama series.

Kumusta maging kontrabida ni Kris?

Challenging kasi magaling na artista si Kris.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …