Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino

Nanloko kay Kris, manager sa digital platform

PARA sa kaalaman ng lahat ay hindi empleado o konektado sa Cornerstone Management ang taong nanloko kay Kris Aquino sa usaping pera. Ito kasi ang usap-usapan ng netizens at ilang taong konektado sa showbiz na kasamahan daw ito ni Erickson Raymundo, Presidente at CEO ng talent management nina Sam Milby, Yeng Constantino, Richard Poon, KZ Tandingan at marami pang iba.

Manager din ni Kris si Erickson pero sa non-digital platform na ibig sabihin ay lahat ng may kinalaman sa pelikula at shows.

Ang taong tinutukoy na nanloko kay Kris ay ang manager niya sa digital platform na nakikipag-negotiate sa lahat ng gustong kumuhang brand partner, ang kilalang social media influencer na napapanood naman sa socmed nito.

Samantala, as of now ay kasalukuyang nasa Singapore si Kris para sa series of medical check-ups ng kilalang espesyalista na may kinalaman sa sakit niya dala na rin ng sobrang stress kaya nag-trigger ang kung ano-anong sakit na nararamdaman ngayon ng mama nina Joshua at Bimby.

On-going pa rin ang imbestigasyon sa financial status ng KCAP company ni Kris at hinihintay din niya kung ano ang desisyon ng mga abogado niyang sina Atty. Philip Sigfrid A. Fortun, Gregorio Y. Narvasa II, at Roderick R.C. Salazar III kung anong kaso ang isasampa sa taong lumoko sa kanya.

Si Erickson naman ay nabigla sa sinapit ng bago niyang alaga dahil hindi niya sukat akalain na mangyayari ito at ang gumawa pa ay ang taong pinagkatiwalaan niya nang lubusan.

Kaya ingat ako sa mga ganyang usaping pera, mahirap masira ang pangalan mo,” kaswal na sabi sa amin.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …