Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Avon Fashions X Angel Locsin

Angel, bag designer na

I  really wished for this.” Ito ang tinuran ni Angel Locsin sa paglulunsad ng kanyang tatlong idinesenyong bag para sa Avon Fashions X Angel Locsin launch, na ginanap kamakailan sa Marquis Events Place.

Masayang-masaya si Angel sa experience na ito lalo’t 14 taon na siya sa Avon.

I’m very humbled and grateful kasi first time ko makagawa ng collaboration with them and I’m very excited kasi we wanted talaga na ipakita kung ano talaga ‘yung gagamitin ko. Kung sino si Angel Locsin, ano ire-represent natin. Kagaya ko at ng Avon, ang advocacy namin is women empowerment so we designed bags para sa mga modern Filipina na laging on the go, busy, and very practical. So ganoon ‘yung bags na ibibigay ko sa kanila,” paliwanag ni Angel.

Kung ating matatandaan, kumuha ng short course si Angel noong 2007 sa London College of Fashion sa UK at ito ang nakatulong sa kanya para makapag-disenyo ng kanyang unang koleksiyon sa Avon.

Isa ito sa mga wish ko before pero hindi ko naman in-expect, kasi bihira lang naman mabigyan ng opportunity that’s why I’m very grateful,” sambit pa ng aktres.

“‘Yung short course ko sa London on designing kaya kahit paano na-incorporate ko ‘yung napag-aralan ko,” dagdag pa ni Angel na posibleng masundan pa ang unang tatlong idinesenyong bag.

Sinabi pa ni Angel na dahil sa nagawang collection ng bags, open siya sa pag-expand sa iba pang lines at paggawa ng sariling business.

I’m not sure kung ‘yun ang direction kong tatahakin, pero right now I’m just very happy to do a collaboration with Avon and kung ano man ‘yung next updates abangan niyo na lang ‘yung website nila,” paliwanag pa ng aktres.

Ang tatlong bag ay inspired sa distinct facets ni Angel—Angel, the She-EO; Angel, the Screen Icon; at Angel, the Renaissance Woman.

Ang Avon Fashion x Angel Locsin collection ay available na ngayong Oktubre sa lahat ng Avon Representative at AvonShop.ph.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


Kris, nagtungo ng Singapore para makakuha ng tamang medical assessment
Kris, nagtungo ng Singapore para makakuha ng tamang medical assessment
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …