Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
MRT

2 maintenance vehicles ng MRT nagbanggaan, 6 sugatan

ANIM katao ang  nasuga­tan, kabilang ang dala­wang empleyado ng Department of Trans­portation (DOTr), nang magbanggaan ang dala­wang maintenance vehicles ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 sa gitna ng Buendia at Guadalupe stations sa Makati City, kahapon ng madaling-araw.

Ginagamot sa VRB Hospital sa EDSA-Boni ang mga sugatan na sina Roger Piamonte, lineman at team leader, nagkaroon ng bali sa kanang balikat; Eric Anthony Cabab, driver-technician, nabalian sa kaliwang balikat, kapwa emple­yado ng DOTr, habang minor injuries ang apat iba pa kabilang sina Randy Bolilan at Alex Lumico, kapwa guwar­diya ng Kaizen Security Agency, pawang nilala­patan ng lunas sa nabang­git na pagamutan.

Ayon sa inisyal na ulat ng pamunuan ng MRT, bandang 3:00 am nang mangyari ang insi­dente sa pagitan ng Buendia at Guadalupe stations sa nasabing lung­sod.

Bunsod ng insidente, hindi agad nakabiyahe ang mga tren ng MRT-3 dahil naantala sa pagla­lagay ng mga bagon sa riles hanggang 5:30 am, naging sanhi ng paghaba ng pila ng mga pasahero sa North Avenue station sa Quezon City. Dakong 6:15 am nang pasakayin sa tren ang mga pasahero.

 (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …