Wednesday , August 6 2025
Ombudsman Samuel Martires Mocha Uson
Ombudsman Samuel Martires Mocha Uson

Ombudsman hahayaan ng Palasyong sibakin si Mocha

TINIYAK ng Palasyo na susunod kapag iniutos ng Office of the Ombuds­man na sibakin si Com­munications Assistant Secretary Mocha Uson bunsod ng reklamong pambabastos sa mga may kapansanan, nang ginawang katatawanan ang sign language.

“Igagalang po ng Palasyo ang proseso – kung sinabi ng Ombuds­man, sibakin hindi po natin tututulan iyan,” tugon ni Presidential Spokesman Harry Roque hinggil sa reklamong isi­nampa laban kay Uson ng Philippine Federation of the Deaf (PFD) kahapon sa Ombdusman.

Hinimok ni Roque ang publiko na hintayin ang desisyon ni Ombudsman Samuel Martires hinggil sa isyu.

“Let’s wait for decision of the Ombuds­man. The Ombudsman can already order the dismissal of anyone in government because it is both an administrative and criminal case,” sabi ni Roque.

Sa ngayon, ani Roque, hindi tatalima si Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa panawagan na sibakin si Mocha.

“As of now, no,” ani Roque.

Inakusahan ng PFD si Uson na nilabag ang Magna Carta for Disabled Persons na nagbabawal na gawing katatawanan at laitin ang mga taong may kapansanan.

Ang inasal anila ni Uson ay paglabag din sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, at sa Anti-Cybercrime law.

(ROSE NOVENARIO)


Mocha, blogger inasunto sa sign language video
Mocha, blogger inasunto sa sign language video
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

SM naglunsad ng relief efforts, naghatid ng tulong sa Bulacan

SM naglunsad ng relief efforts, naghatid ng tulong sa Bulacan

HABANG ang mapaminsalang habagat, kasama ang magkakasunod na bagyong Crising, Dante, at Emong, ay nagdala …

Goitia Gilbert Teodoro

Tumindig para sa PH
Defense Secretary Teodoro klarong hindi bastos — Goitia

PARA kay Chairman Emeritus, Dr. Jose Antonio Goitia, malinaw ang mga salitang binitiwan na may …

080525 Hataw Frontpage

Rep. Brian Poe, DOJ Usec Gutierrez, powerful duo sa serbisyo publiko

HATAW News Team SA MAKASAYSAYANG State of the Nation Address (SONA), bida ang bagong halal …

dead gun

Titser itinumba sa eskuwelahan

ISANG 24-anyos gurong lalaki ang napaslang nang malapitang pagbabarilin ng nag-iisang gunman sa bayan ng …

Arrest Shabu

Notoryus na tulak arestado, 3 batak na durugista timbog

ISANG kilalangnotoryus na tulak at tatlong durugista  ang naaresto ng pulisya sa magkakahiwalay na anti-illegal …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *