HINDI pa rin nawawala ang karisma at lakas sa tao ni Sylvia Sanchez. Napatunayan namin ito nang siya ang mas tinilian ng mga taong nag-abang at nanood sa pagbubukas ng Beautefy by Beautederm noong Linggo sa Alimall na mina-manage ni Maria De Jesus.
Kasama ni Sylvia na nagbigay kasiyahan ang iba pang Beautederm ambassadors na sina Carlo Aquino, Matt Evans, Glydel Mercado, Tonton Gutierrez, Alma Concepcion, Darla Sauler, at Shyr Valdez. Bale ika-41st physical store na ng Beautederm ang nasa Alimall.
Mayroon ding Beautederm store si Ibyang (tawag kay Sylvia) sa Butuan at pagbabalita niya, “Okey naman siya malakas. Masaya naman kuntento ako sobra. Ang kasiyahan lang naging endorser ako nitong Beautederm at the same time naging may-ari.
“Kasi sabi ko nga hindi ako naniniwala na ano eh…maarte kasi ako, hindi ako nag-e-endorse kung hindi ako naniniwala sa produkto. Ginamit (produkto) ko kasi ito eh. Unang ginamit ko eh ‘yung pabango, ‘yung air spray kasi hindi ako mahilig maglagay ng cream sa mukha eh. Hindi ako nagpapa-derma. Kaya ang inuna ko ‘yun, ‘yung linen spray eh doon ako adik pati kandila. Eh ang gaganda talaga.
“After niyon sinubukan ko na ‘yung cream nila. Tapos ‘yung sabon. Aba eh ang galing. Ayun tuloy-tuloy na. Hanggang sa nagbukas na ako ng tindahan. Hindi naman ako magbubukas ng tindahan kung hindi ako naniniwala sa produkto. Ano ako magsasayang ng pera?! Ang hirap kaya umiyak sa taping. Ang hirap magpuyat,” paliwanag pa ni Ibyang.
Hindi rin itinanggi ni Ibyang na malakas ang mga produkto ng Beautederm kaya naman madaragdagan pa ang store niya.
Nang kumustahin naming kung ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon. Sinabi nitong nakipag-meeting na siya para sa isang serye pero hindi pa iyon puwedeng pag-usapan. “May movie na tinanggihan kasi hindi nagkaintindihan pero may movie uli ngayon na offer na maganda, hopefully maumpisahan na,” sambit ng aktres. “Out of town ang shooting eh. Teleserye soon umpisahan na. Movie with Arjo, hindi ko pa alam kung kailan uumpisahan,” dagdag pa.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio