THANKFUL si Ate Vi (Cong. Vilma Santos) na hindi naman masyado ang idinulot na pinsala ng bagyong Ompong sa Lipa. Kahit na nga sabihing Northern Luzon naman talaga ang sinasabing tatamaan ng bagyo, sa lawak ng radius niyon maging ang Batangas ay isinailalim sa typhoon signal. Natural kailangan din silang maghanda.
“Ang nagiging problema kung minsan, kahit hindi naman kabilang sa distrito ko sa Batangas, basta taga-Batangas hindi mo maaaring hindi asikasuhin eh. Ang tingin kasi nila, bilang dating gobernador ng Batangas katungkulan ko pa rin iyon. Hindi ko naman sila maaaring pabayaan.
“Sabihin na nating siguro nga sa mga ganyang sitwasyon, nasanay na silang sa akin tumatawag kaya kahit hindi naman ako ang governor, sa akin pa rin sila nagpaparating ng kanilang concerns. Okey lang naman iyon sa akin, in fact nagpapasalamat ako sa patuloy nilang pagtitiwala.
“Salamat na lang sa Diyos at wala namang masyadong pinsala. Naghahanda pa naman ang Lipa sa pagdating ng puso ni Santo Padre Pio rito sa amin. Tiyak maraming tao ang darating kaya kailangan handa rin kami sa bagay na iyan,” sabi pa ni Ate Vi.
HATAWAN
ni Ed de Leon