Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Idiotic structure’ ipinaaayos sa bagong NFA administrator (Sa tiyak na supply ng bigas sa buong bansa)

ITINALAGA ni Pangu­long Rodrigo Duterte si Philippine Army Com­manding General Rolando Bautista bilang bagong administrator ng National Food Authority (NFA) kapalit ni Jason Aquino na nagbitiw noong nakaraang linggo.

“NFA ka na. Mabait ‘yan si Rolly,” anang Pangulo sa command conference sa kapitolyo ng Cagayan sa Tuguegarao City kahapon.

Sinabi ni Pangulong Duterte, nais niyang ayusin ni Bautista ang ‘idiotic structure’ sa NFA at tiyakin ang matatag na supply ng bigas sa buong bansa.

“There is a death of substantial knowledge of where the rice is (during calamity). I need some­body I can trust at masabihan ko na fix that. So wala na ako ibang mailagay, so si Bautista muna. In the meantime you have to help the country and rationalise everything there. Keep a level of inventory,” atas ng Pangulo kay Bautista.

Binigyan-diin ng Pangulo na pabor siya sa panukalang rice tari­ffication at pag­tang­gal ng import quota upang bumaba ang presyo ng bigas at magkaroon ng matatag na supply sa pamilihan.

Si Bautista ay naka­takdang magretiro sa darating na 15 Oktubre o pagsapit ng mandatory retirement age na 56-anyos. Si Bautista, mula sa Philippine Military Academy (PMA) Class ‘85 ay nagsilbi rin bilang pinuno ng Presidential Security Group (PSG) at Task Force commander sa Marawi crisis.

(ROSE NOVENARIO)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …