Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hamon sa Magdalo: Patalsikin n’yo ako — Duterte

HINAMON ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Magdalo Group o ang pangkat ng mga sundalong kinabibilangan ni Sen. Antonio Trillanes IV, na patalsikin siya sa puwesto kung bilib sila sa senador.

Sa kanyang tete-a-tete kay Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na isinahimpapawid sa government-controlled PTV4, hinikayat niya ang mga sundalong nanini­wala kay Trillanes at dating Pangulong Benig­no Aquino IV na mag­punta sa kanila at ilunsad ang pagpapabagsak sa kanyang administrasyon.

Ito naman ayon sa Pangulo ay kung kom­binsido ang mga sundalo na may nagawa para sa kanila sina Trillanes at Aquino gaya nang pag­doble niya sa sahod ng mga militar at pagbibigay sa kanila ng sariling armas.

“Kayo mga sundalo, maniwala kayo kay Tril­lanes, maibigay niya lahat ang kailangan ninyo, may nagawa siya para sa inyo, go to Trillanes. I am en­couraging you to stage a rebellion against me,” anang Pangulo.

“Ikaw Trillanes, nag­kalat ka, nakulong ka, minumura mo lahat gobyerno, ano ginawa mo maski konti para sa sundalo. Sa Marawi, did I ever see you there. Ako binigyan ko lahat fire­arms, kasi may sparrow. I doubled your salary. ‘Pag tingin ninyo mas mabuti si Trillanes ma­ging si Aquino go to them, stage whatever… I am challenging Magdalo start now. Ipakita natin sa Filipino ang hamon ninyo,” dagdag niya.

ni ROSE NOVENARIO


Amnestiya ni Trillanes talagang walang bisa
Amnestiya ni Trillanes talagang walang bisa
Proclamation 572 vs Trillanes tuloy
Proclamation 572 vs Trillanes tuloy
Trillanes maaari nang lumabas sa senado
Trillanes maaari nang lumabas sa senado
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …