Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jodi Sta Maria Jolo Revilla
Jodi Sta Maria Jolo Revilla

Jolo, binasag ang pananahimik — Yes, I’m single

YES, I’m single,” ito ang pagkompirma ni Cavite Vice Gover­nor Jolo Revilla. Matatandaang ilang buwan ng nabalitang hiwalay sila ni Jodi Sta. Maria pero walang pag-amin mula sa kanilang dalawa.

Kahapon sa solo presscon ni Jolo sa Annabels Restaurant para sa pelikulang Tres na pagbibidahan nilang magkakapatid na sina Bryan at Luigi Revilla ay binasag na ng politikong aktor ang pananahimik niya.

“As much as possible kasi I’d like to remain private, ‘yung private life ko. Ibalato n’yo na sa akin ‘yun. Basta malaki ang respeto ko sa kanya (Jodi) at sa pamilya niya,” ito ang paliwanag ni Jolo.

Pero hindi pa rin siya tinantanan at tinanong namin kung ilang buwan ng hiwalay sina Jolo at Jodi pero hinawakan kami sa kamay ng una at sabay sabing, ”okay na ‘yun.”

Inamin din ni Jolo na hindi pa niya sinubukang magmahal ng iba simula nang magkahiwalay sila ni Jodi at aminadong hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ang aktres, ”Kasi hindi naman nawawala kaagad ‘yun,” tipid na sabi ng politikong aktor.

Nabanggit din ni Jolo na malaki ang nagawa ni Jodi sa kanya, ”basta all I can say is that, she brought out the best in me. Wala na akong masasabi.”

Natanong din kung isa sa dahilan ng paghihiwalay ay ang hindi natapos-tapos na annulment nina Jodi at Pampi Lacson.

Pero nakiusap si Jolo, ”puwede huwag na natin siyang pag-usapan, please iba na lang. Kasi ayokong lumabas na ginagamit ko, please.”

Hindi naitanggi ni Jolo na hindi sila nagkakausap ni Jodi simula pa noong naghiwalay sila na hindi binanggit kung ilang buwan na kaya naman sa tanong kung okay sila ng bida ng Sana Dalawa ang Puso”I hope so,” kaswal nitong sabi.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan


Leadership course sa Harvard, nasagasaan ng Tres
Leadership course sa Harvard, nasagasaan ng Tres
The Kids Choice, original concept ng Dos
The Kids Choice, original concept ng Dos
NaK, ‘di mabitawan ng mga manonood
NaK, ‘di mabitawan ng mga manonood
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …