SAMANTALA, ang promo ng pelikulang Tres ang dahilan kung bakit hindi natuloy si Jolo sa Harvard University in Boston, Massachusetts para sa short course ng Leadership na dapat ay nitong Setyembre 10 na ang simula.
“I’ll be leaving on November, may makakasabay naman ako si Janella (Ejercito – San Juan Vice Mayor), she’s also going to Harvard. I’m excited kasi hindi lahat ng tao nabibigyan ng chance na matanggap ng executive course sa Harvard. It’s going to be a month or less kasi crash course naman ‘yun so magli-leave muna ako sa work (kasama na ang FPJ’s Ang Probinsyano),” kuwento ni Jolo.
Dagdag pa, ”kung September, two weeks lang, ‘pag November hindi ko pa alam kasi hindi ko pa nakikita ‘yung syllabus.”
Anyway, mapapanood na ang Tress a Oktubre 3 na action trilogy na unang beses mangyayari sa kasaysayan ng pelikula dahil kadalasan ay puro love story o drama.
“Oo, first time ito, kumbaga hitik lahat sa aksiyon, may kanya-kanyang kuwento,” sabi pa ng aktor.
Ang episode ni Jolo ay ang 72 Hours (Dondon Santos), Amats naman kay Luigi (Dondon Santos), at Virgo kay Bryan (Richard Somes) mula sa Imus Production.