Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin Mystica
Coco Martin Mystica

Mystica, may panaghoy kay Coco

SPECIAL mention ang isang kolumnista rin sa showbiz na pinasalamatan ng tinaguriang Split Queen na si Mystica.

Pinagtiyagaan naming panoorin at tapusin ang 14-minute video ni Mystica, na tumatangis siya bunga na rin ng kanyang kinasadlakan ngayon.

Abala siya ngayon sa pagluluto at pagtao sa tila mukhang bakery na nakunan bilang background sa nasabing video. Medyo na-bother lang kami dahil walang naitalang “share” sa materyal na ‘yon gayong isang “acting piece” ang ipinamalas ni Mystica.

Sa kabuuan ng mahabang video na ‘yon ay masa-sum up ang mensaheng nais niyang ipaabot: gusto niyang magbalik-showbiz.

Layunin ng video ni Mystica na makarating ang panaghoy kay Coco Martin. So, paano napasok sa eksena si Coco?

Tulad ng alam ng buong showbiz—maging ng mga manonood—sa panggabing teleserye lang yata napapanood ang mga artista whose careers have been resurrected. Hindi na nga mabilang ang dami ng mga artistang nabigyan ng exposure sa nasabing palabas.

Sa naging panawagan ni Mystica ay tila gusto niyang subukang umarte this time. Bagama’t nagkapangalan siya sa larangan ng pagsasayaw, gusto naman niyang i-explore kung ano pa ang kaya niyang gawin.

Sa pagitan ng kanyang pakiusap, kundi man all throughout ay sisinghap-singhap siya. Dumadaloy ang luha, kasabay ng matinding sama ng loob sa mga tao—sa loob at labas ng showbiz—na natulungan niya noong may pera pa siya, pero ngayo’y nangatalikod na sa kanya.

Totoong kahit paano’y bato na lang ang hindi maaantig sa video na ‘yon.

Pero kung kilala ng publiko si Mystica—tulad ng accompanying caption sa video na ”nakarma tuloy!”—ay wala siyang dapat sisihin kundi ang mismong sarili niya.

May pagmamalabis din kasi si Mystica noong ang buong akala niya’y wala nang hangganan ang kanyang tagumpay. Nasa isip marahil ni Mystica na matutuyuan ng tubig ang balon, pero kailanma’y hindi mawawalan ng pera ang kanyang bulsa.

Although bahagi na ‘yon ng nakaraan na kinapulutan niya ng aral, hindi naman siya agad-agad pagbubuksan ng pintuan ng taong kinakatok niya ang puso.

Harinawang sa tulong ng kaibigang reporter ay mapanood ni Coco ang video ni Mystica. Baka sakaling mangailangan ng bagong karakter sa teleserye niya.

Eh, ano namang role?

Hayaan n’yong si Coco na lang ang mamroblema, huwag na tayo.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …