Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Relasyon ng PH sa Arab nations ‘di apektado

WALANG epekto sa relasyon ng Filipinas at ng ibang bansa ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Israel sa 2-5 Setyembre.

Ito ang tiniyak ni Foreign Affairs Under­secretary Ernesto Abella sa pre-departure brie­fing sa Palasyo kaha­pon.

Batid aniya ng Filipi­nas ang sentemyento ng Arab countries na hindi kinikilala bilang isang hiwalay na estado ang Israel.

Ayon kay Abella, nakamit na ng mga bansa ang “stage of maturity.”

Napatunayan na rin aniya ng Pangulo na posibleng maisulong ang isang  independent foreign policy nang hindi nasisira ang relasyon sa ibang bansa.

Naniniwala si Abella naayos na rin ng Pangulo ang kanyang kontro­bersiyal na pahayag noon nang sabihin na masaya siya na patayin ang may tatlong milyong drug addicts sa bansa gaya ng pagpatay noon ni Adolf Hitler sa mga Hudyo o Holocaust noong Ika­lawang Digmaang Pan­daigdig.

(Rose NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …