Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Day After Valentine’s, Graded A ng CEB

READ: Harry Roque, iiwan si Duterte ‘pag kinuha sa FPJ’s Ang Probinsyano
READ: Dahilan ng pagkalugi ng mga pelikula, isiniwalat ni Diño

ISANG taon matapos ang kanilang matagumpay na unang tambalan sa blockbuster movie na 100 Tula Para Kay Stellamuling magtatambal ang Primetime TV Gem na si Bela Padilla at ang Kapamilya Primetime Actor na si JC Santos,  sa The Day After Valentine’sisang kakaibang kuwento ng pag-ibig nula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana.

Ang The Day After Valentine’s ay isa sa walong official entries sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino na magbubukas na sa lahat ng sinehan nationwide simula sa Agosto 15.

Sa The Day After Valentine’s, ginagampanan ni Bela ang papel ni Lani, isang simpleng dalaga na mahilig sa”broken things”  at Baybayin, ang sinaunang sistema ng pagsulat ng mga Pinoy. Si JC naman ay gumaganap bilang si Kai, isang binatang nahihirapang mag-move on sa kanyang past relationship. Nagtagpo sila sa isang ‘di inaasahang pagkakataon, at dahil nga click sila, napagpasyahan nilang lumabas at gumimik ng Valentine’s day.

Kompara kina Fidel at Stella ng 100 Tula, mas komplikado ang karakter nina Kai at Lani sa The Day After Valentine’s.

Ayon kay Bela, mare-realize mo sa pelikulang ito ang katotohanang “masakit ang magmahal.”

Sa isang panayam naman kay JC, sinabi nitong mas rewarding ang muling pagtatambal nila Bela kasama ni Direk Jason, na siya ring sumulat at nagdirehe ng kanilang unang tambalan.

Aniya, ito marahil ay resulta ng undeniable chemistry  at friendship na nabuo habang ginagawa nila ang 100 Tula,na siyang ring nag-uwi ng Audience Choice Award sa unang edisyon ng PPP.

Kinunan ang ilang bahagi ng The Day After Valentine’s sa napakagandang isla ng Hawaii na tiyak magdaragdag ng kakaibang mood at vibes sa screen. Dagdag pa rito ang heart-tugging soundtracks na kinabibilangan ng Akala ni Marion  Aunor, Taguan ni John RoaPag-ibig Lang ng The JuansFeel nina Jameson Tenorio at Ian Ancajas, at For the Rest of My Life ni Bela.

Ito’y prodyus ng VIVA Films at rated PG ng MTRCB at Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB). Mapapanood na ito sa lahat ng sinehan nationwide simula ngayong August 15.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …